🏰DARYLLE🏰
Napatalon kami sa sobrang saya ng umabot na sa match point sina Georgina. Siya ang nagseserve ngayon kaya todo cheer kami sa kaniya. Ikatlong set na 'to kaya kapag nanalo pa sila tapos na ang laro. Nasunod-sunudan kasi nila ang mga Lawin kaya hindi na makapalag. First to get three lang naman kasi ang volleyball.
Sobrang saya namin dahil ang ganda talaga ng laban, kasi dikit lang naman lagi. Natatalo lang sila kapag nagseset point na. Kailangan kasi dalawa ang lamang para makuha ang isang set.
"Go Lola Blossom!" Sigaw namin nila Sydney. Nasa likod kami ng bench nila, kasama si Kendrick. Iniwanan niya 'yung upuan niya ro'n kasi puro raw babae ang katabi niya.
Umiiwas sa tukso...
Nagtitili kami dahil service ace pa si Georgina. Nagdiwang ang lahat ng Kingstonenians dahil tapos na nga ang laban.
"Haringbato! Haringbato!" Nakisabay kami sa malakas na sigawan habang hinahantay ang Pep Squad na magpasimula ng KU Chant.
"K-I-N-G-S-T One U!"
Pinanood namin sila Georgina na makipagkamay sa mga nakalaban nila sa ilalim ng net. Nagsigawan sila at nagtatalon sa tuwa. Bumuo sila ng bilog at nag-usap-usap pansamantala bago nakisabay sa KU chant. Humilera sila sa may court nila at itinaas ang mga kamay. Sabay-sabay silang nag-bow sa harap namin.
"Yehey!" Pinalakpakan namin sila at nagtatalon sa saya. Mas masarap talaga manood kapag may mga kasamang kaibigan, at siyempre kapag may sinusuportahan.
"Ang galing-galing ng Lola niyo!" Sigaw ni Kendrick pasayaw-sayaw dahil sa music.
"Congrats!" Isa-isa kaming lumapit sa kaniya. Inabutan na rin namin ang maiinom.
"Thank you," hinayaan muna namin siyang uminom at pawiin ang nararamdamang hingal. Nagtitili siya at nagtatalon sa saya. "Number two kami!"
"Number one kami," pagyayabang naman nitong pinsan ko kahit hindi naman nagyayabang si Georgina.
"Oo na te, alam na namin."
"Ang galing mo, pero mas magaling talaga ako." Nakipagtarayan pa talaga.
Hindi talaga patatalo...
Tinawag na si Georgina kaya inayos na muna namin ang mga coolers. 'Yung mga lalaki naman ang magbubuhat niyan. Sinabihan namin si Blossom na doon na lang namin siya sa labas ng quarters hihintayin. Sabay-sabay kaming maglalunch dahil nakapangako kami kina Eric. Nakakahiya naman kung kami pa magkakansela, eh kami naman ang nagyaya.
"Dito tayo mga be," yaya ni Kendrick. Naupo kami sa lounge ng quarters. Hindi pa nga pala namin nalilibot 'tong building. Dami kasing ginagawa eh.
Mabuti na lang naka-AC 'tong lounge kaya hindi na kami naiinitan. Sobrang init na kasi noong naglakad kami pabalik dito. Tirik na tirik na kasi ang araw.
"Te ang init te," tumayo si Professor X sa may aircon at nagpahangin.
"Sorry te," ani Kendrick sabay tawa. "Hot kasi ako."
"Oo nga, kaya nga sa sobrang hot mo nahumaling si MARIAH VICTORIA MENDOZA." Talagang pinagdiinan niya pa ang pangalan ng babaeng hindi ko alam kung kinaiinisan nga bang talaga nito si JAMES.
Hehehe...
"Eh di wow! Yixing Xiao!"
"Mariah! Mariah! Mariah!"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21