🏰ALEX🏰
Mabilis akong nakarating sa bahay namin, dahil sa sobrang bilis ni Sapak. Sobrang bilis, napakabilis at pinakamabilis na Sports Car sa buong mundo. Napakahusay pa ng nagmamaneho, kaya wala, matulin talaga. Sa sobrang bilis ko nga eh, muntik ko ng mabangga 'yung babaeng tatawid. Pasalamat talaga siya tinamad ako. Dumiretso ako sa War Zone para makapaglaro. Namimiss ko ng tumambay dito kaya nakipagbakbakan ako sa mga ungas. Magtatagal pa sana ako pero nabadtrip na ako ro'n sa Alfred ba 'yon? Hindi ko na matandaan kung paano niya nalaman ang pangalan ko.
Hindi naman kasi siya importante...
Umuwi rin ako kinalaunan. Dumiretso ako sa kuwarto ko dahil nababagot ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Nahagip ng mata ko si Pangit, kaya naalala ko si Mamaw. Nakagat ko ang labi ko habang hinahantay na mapuno ang cellphone ko. Patay 'yan sa akin si Mamaw kapag nakita ko siya. Iiyak 'yon sa sobrang inggit sa akin.
Ahahaha, ako winner, siya hindi!
Patay ka sa aking pangit ka...
Magdudusa ka sa mga kamay ko...
Yari kayo sa akin ng b**bie mo! Lalamugin ko kayo!
Napahagikgik ako, dahil sa naisip ko. Iniimagine ko pa lang na nilalamas ko ang basketball ni Mamaw tuwang-tuwa na ako. Kinuha ko ang unan at niyakap. Ganito ka soft ang b**bie ni Mamaw. Nagpagulong-gulong ako sa kama habang iniimagine ang malambot na dibdib ng Mamaw kong makunat ang P.
Wala ng tatalo sa b**bie niya...
The b**best!
Magtago ka na Boa!
"Ganda?" Narinig ko ang Baby ko na tinatawag ako. Napairap ako, dahil sinira niya ang dibdibang pakikipagtuos ko sa Mamaw ko sa imahinasiyon ko.
"Pasok," walang kagatol-gatol kong sambit. Nakadapa ako sa kama. "Bakit?" Hindi ko siya nilingon. Hinigaan ko ang unan na kasing lambot ng dibdib ni Mamaw.
"Magpaplano tayo para sa birthday ni MU, bukas."
"Pwede bang kayo na lang? Nagdedaydream pa ako rito eh." Nakakainis talaga, dahil nawala ako sa concentration. Wala pa si MU dahil nagbabantay pa siya sa salon niya. Sabado kasi ngayon kaya maraming customer.
"Halika na sige na."
Palihim akong napangiti ng lumambing ang boses niya. "Pilitin mo muna ako," pagninilandi ko. Tumihaya ako 'tsaka ko siya nginusuan ng matindi-tindi.
"Pasaway ka talaga, halika na." Hinila niya ang dalawang kamay ko patayo. Humiga ulit ako ng magtagumpay siya. "Dali na, Ganda." Inulit niya ulit ang paghila sa akin. Sa pagkakataong ito, tinigasan ko na ang katawan ko para hindi niya na ako mapabangon. "Ay ang tigas naman ng ulo. Sige na, mabait 'yan si Ganda eh. Susunod 'yan sa akin kasi mabait 'yan eh." Napanguso ako habang dahan-dahang nagpapabangon kay Eric.
Ang sabi niya kasi, mabait daw eh...
"Mabait ako?" Nagpacute ako sa kaniya, gamit ang pinagsama-samang technique ko.
"Opo, kaya tara na." Inalalayan niya ako hanggang sa makatayo. Pinigil ko ang ngiti habang naglalakad kami papasok sa kuwarto nila Tupe. Nagtatambol na naman ang little drummer b**bie ko, pero sa pagkakataong ito ay nagugustuhan ko na ang paraan ng pagkabog nito. Parang gusto ko pa ngang sayawan ang tunog non, buti na lang tinamad ako.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21