🏰LUKE🏰
Sinundan ko nang tingin ang grupo nila Danica hanggang sa makalabas sila. Nakakatawa talaga ang babaeng 'yon kahit kailan, talagang niyakap niya pa ako para lang mangutang dahil ililibre niya ang mga kaibigan niya. Wala namang masama ro'n dahil nagbabayad naman siya. Nakakatawa lang dahil first time kong naka-encounter ng gano'ng klase ng babae.
Ibang klase talaga...
Pero mas ibang klase ang tibay ng sikmura ni Sean. Hindi man lang siya nangilabot na magpunta rito. Nagbigay pa ng ticket at umaasang panonoorin siya ni Danica.
Ang suwerte niya naman...
Pinag-uusapan nga sila kanina dahil doon sa nangyari sa kanila bago sila masipa sa KU. Marami pa rin kasi ang naniniwalang si Audrey ang babaeng 'yon. Mabuti na lang hindi na ako kasali sa kanila ngayon.
'Yon nga lang, pinagtsitsismisan na naman kami dahil doon sa ginawang pagyakap ni Alex at sa biglaang pagsulpot nung Sean na 'yon. Ayoko nang masali pero nadadawit talaga ako kahit hindi ako magsalita.
"Grabe talaga," 'di makapaniwalang sabi ni Guione. Nakita kasi nilang sinuntok ako ni Alex sa braso. Hindi naman malakas pero ang manly ng dating non sa akin.
Ang angas lang...
Medyo awkward nga lang 'yon sa side ni Matthew. Niyakap ako ni Alex tapos siya ang katabi ko. Alam ko naman kasing may gusto rin siya ro'n kay Danica, at alam kong hindi 'yon basta mawawala ng gano'n-gano'n lang. Naiintindihan ko na ang nararamdaman niya kaya alam kong kahit hindi niya sabihin, alam kong nagseselos siya.
Pero gano'n talaga...
Kaniya-kaniyang suwerte lang Matt...
"Bakit mo kasi siya pinahiram?" Hindi na yata nakapagpigil si Guione at tinanong na ako. Kanina pa 'yan tingin ng tingin sa akin na tila humahanap ng tiyempo para magsabi ng concern niya.
"Sa tingin mo ba, bibitaw 'yon kung 'di ko pinahiram?" Makahulugan ang sinabi ko. Kahit hindi sila masiyadong close alam kong alam naman niya ang ugali ng babaeng 'yon. Hindi 'yon kakalas sa akin hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Natakot lang din naman ako na baka maissue pa kapag pinatagal ko, kaya binigyan ko na.
"Tama lang 'yon," sabat ni Matthew habang kumakain. "Mangungulit lang 'yon lalo."
Hindi na umimik si Guione dahil talo siya sa amin. Dalawa kami ni Matthew at isa lang siya. 'Yung nililigawan niya naman tahimik lang diyan sa harap ko. Mukha naman siyang mabait, pero hindi pa namin siya kilala ng lubusan kaya hindi ko pa masisiguro 'yan sa ngayon. Maganda rin naman siya lalo na kung ikukumpara sa mga naging ex ni Guione.
Pero tama siya, mas maganda talaga si Alex sa kahit anong anggulo mo tignan. Kahit nakataas pa ang paa niya at tumutungga ng 1.5 liters na softdrinks.
KakaiBabe...
Napangiti na naman tuloy ako nang maalala ko ang ginawa niyang pagpapacute kanina. Kinilig talaga ako ro'n, pero ayaw ko lang ipahalata. Gusto ko talaga siyang yakapin kanina dahil naiinis ako. Kailangan ko ng pampaalis ng yamot. Mabuti na lang nakita ko siya kaya kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Nakakainis lang kasi pinagalitan na naman ako, 'yon nga lang sa cellphone na.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21