Chapter 376: GRAY WOLVES VS. ORANGE FOXES 5 (SFD7)

108 15 1
                                    

🏰ALEX🏰

Wala akong kamercy-mercy ngayon, kahit tambak na sila mas dinadagdagan ko pa. Dinadakdak-dakdakan ko lang sila mga kaibigan. Hindi sila makapalag sa akin. Ang yabang ko kasi eh. Lahat ng haharang kusang tumatabi sa aking dadaanan.

Nahihirapan din ang bantay ko, dahil bukod sa magaling ako ay mabalasik pa. Hindi nila ako masabayan, dahil mabilis ako. Sobrang bilis, napakabilis at pinakamabilis na Rich Baby sa buong mundo, universe! Walang binatbat ang shooting skills ng shooting guard nila sa supal kong nagmamayabang. Nakakalimang tapal na nga ako sa kaniya tapos tatlo ro'n sa sentro.

Umiiyak ang mga pudidang nila dahil sa akin...

Sinabayan pa ng Babe kong naghihinambog na rin. Ang bwiset na buglat na 'to, ang kayabangan ko napapansin lagi pero ang sa kaniya hindi. Ang yabang-yabang niya rin kaya. Sa sobrang yabang niya nga 'yung mata niya gusto na siyang layasan eh.

"Oh bobo," sabi ko nang magmintis na naman ang kalaban. Nanghihina ako hindi dahil sa magaling ako, kun'di dahil sa katatawa. Ewan ko ba, ang lapit-lapit na nga sa ring hindi pa nila ipapasok. Kung pwede lang gumamit ng bangko rito o kaya ladder pahihiramin ko sila para makashoot naman sila.

45-13...

Nakakatawa hindi ba?

Mas mataas pa ang points ko sa kanila. Ako nakaka-twenty one na sila thirteen pa lang. Hindi kasi sila magaling na Baby gaya ko. Ako kasi malupit eh, tigasin pa kaya hindi nila ako matibag-tibag. Nakakaurat naman 'tong kalaban namin, sobrang hina.

Wala ba 'yung kasing lakas ko?

'Yung kasing bilis?

Sa sobrang inis ko parang gusto ko na lang talagang maging import nila Coach Limer! Nakakaboring naman kasi 'tong mga kalaban namin, mga walang binatbat sa amin. Hindi man lang makapalag.

Walang kaawa-awa, ah bukaka, ah bukaka, mukha kang palaka!

Hehehe...

Nagsasasayaw pa ako habang dinidribol ang bola. Naghihiyawan ang mga fans ko sa sobrang bilib nila sa akin. Hindi siguro nila inasahan na may baby na ganito kagaling gaya sa akin. Wala talagang makakatalo sa akin.

I'm the best...

"Three!" Sigaw ng lalaking ultimong pagpasa ng bola sinasabi pa kahit nakikita naman na ng mga pulpol. Nag-aaksaya lang siya ng boses, laway at kuryente. Walang utak, bobong lalaki! Napakabobo niya. 

"Panis," sabi ko sa kalaban. Hindi naman kasi nagyayabang si Professor X kaya ako na lang ang gagawa. "Kaya niyo 'yon?" Panay ang irap sa akin ng ibang kalaban. Hindi kasi nila makayananan ang aking kayabangan. Nilapitan ko si Sydney habang hinahantay naming makabalik dito sa tarima nila ang mga kalaban. "Uy, yabang-yabang din 'pag may time."

"Ayoko te, baka awayin ako." Tumawa siya kaya tumawa rin ako. Grabe ang kaduwagan niya, sagad hanggang buto.

"Sige, ako resbak mo." Kahit tumulong pa ang Coach nilang pulpol din gaya nila, hindi nila ako kayang palagan. Nagkalat kaya ang mga bataan namin ni Kuya ReiRei diyan sa labas. Kay Kuya ReiRei pa lang tapos na sila eh. Ang lakas kaya ng Kuya ko, napalakas at pinakamalakas na Kuyang Pugo sa buong mundo. Kaya nga deds na deds kami sa kaniya eh.

"Ayoko," tanggi niya. Wala talagang aasahang tibay sa isang 'to. Si Darylle na nga lang ang dedemonyohin ko.

"Oh t*nga," sabi ko nang maagawan na naman ng ball itong pulpol na 'to. Nakakaurat talaga ang kalaban namin. Second Quarter na pero wala man lang nababago. Sure win nga 'to, road to championship na 'to.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon