Chapter 269: TIYANAK

93 11 2
                                    

🏰ALEX🏰

Nandito kami ni Kuya sa suite ni Tito. Tinapon ko na si Iron Man, dahil sabi ni Kuya patay na raw 'yon. Ibibili niya na lang daw ako ng bago dahil marami naman daw siyang pambili. Hinayaan ko na tutal mayaman naman kami. Mas mabuti na rin 'yon para hindi na ako magbibitbit pag-uwi.

Si Tito tulog na, dahil kailangan na niyang matulog. Kasalukuyang inaayos ni Kuya ang kuwarto ni Tito. Wala kasing magbabantay sa kaniya ngayon kaya kami na lang. Si Mamaw nandoon kay Papa, nagdidilig yata sila. Hinayaan ko na tutal naman ilang araw silang hindi nagkita. Baka mamaya eh, malanta si Mamaw tapos ako pa masisisi. Basta 'wag lang nilang patutubuin ang halaman dahil hindi ko talaga 'yon makakayanan.

Baka 'yon ang ikamatay ng kayabangan ko!

"Tulog ka na," ani Kuya. Mukhang wala pa siyang balak matulog. Sinuot niya ang salamin at kumuha ng magazine. Mukha silang basa nila Mama. 'Yan ang napansin ko sa kanila. Kahit sila Papa ganiyan din minsan.

"Ayaw ko pa magsleep." Kinuha ko na lang ang cellphone ko. Magpeplay na lang muna ako. Napanguso ako ng makita kong ang dami kong missed calls galing kina Tupe. Hindi nga pala ako nakapagpaalam sa kanila. Ako naman ang tumawag sa kanila dahil marami akong load. Walang katapusan 'to dahil mayaman nga ako. "Hello?" Si MU ang tinawagan ko.

"Nasaan ka na Alex? Nandiyan ka ba kina Glydel?"

"Wala," sagot ko. "Nandito kami sa ospital, dahil nasa ospital si Papa."

"Si David?!"

Napapikit ako dahil tila nabarahan ng hangin ang tenga ko. "Kailangan sumisigaw MU?"

"Nagulat ako."

"Mukha nga," tatango-tango ako. "Dito na muna ako magsisleep. Pwede kang pumunta rito bukas. Alam mo naman kung saan hindi ba?" Mukhang hindi ko na kakailanganin ang tulong ni Mamaw. Sigurado ako, pupunta 'yan si MU, dahil nandito sina Papa.

"Oh sige," pagpayag niya. "Ano ba nangyari?"

Natuwa naman tuloy ako, dahil hindi ko na kailangan ang tulong ng Mamaw kong pangit. "Mahabang kuwento Mother Uji. Si Mamaw na lang ang magkukuwento sa 'yo ha?" Para pumunta siya bukas, dahil mahilig din sa chika 'to si MU.

"Okay," aniya.

"Good night MU," hininaan ko ang boses ko, dahil baka magising ang Tito ni Uod.

"Pasaway ka birthday na birthday ko." Tinikom ko ang bibig ko. Hindi niya pwedeng malaman na may plano kami bukas. Baka hindi makapagpigil ang matabil kong dila at mailahad ko ang plano nila Tupe. "Nandiyan ba ang Mamaw mo?"

"Nasa kabilang kuwarto, nagbabantay kay Papa. Si Tito ang binabantayan namin dahil nag-iisleep siya."

"Tito?"

"Tonton," sagot ko.

"Oh?! Pati siya nadali rin?"

"Yes yes yow, Mother Uji. Pati nga si Pañerong Viper eh. Pero okay na silang tatlo, dahil wakey-wakey naman na sila."

"Salamat sa Diyos."

"Sa akin ka magthank you," napanguso ako. "Ako nanggising kay Papa Mambs eh." 'Yon naman kasi talaga ang totoo. Ako naman talaga ang nakagising sa kaniya. Dahil din sa akin kaya nakalabas na siya roon sa aquarium na malaki.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon