Chapter 358: LUNCH 6 (SFD6)

110 13 3
                                    

🏰SYDNEY🏰

"Hi Sydney..." Napalingon kaagad ako sa likod ko dahil sa tumawag sa akin. Talagang nag-init ang ulo ko nang makita ko 'tong Irene na 'to, kasama niya siyempre itong bestfriend niyang may kaitiman. "Ikaw nga," sabi pa niya, na akala mo naman close kami.

Sino sila?

Mga epalogs na ahead sa amin ng level pero kung makaharot sa mga kabatch namin wagas. Sila rin ang madalas naming makaaway sa twitter. You know batch war, usong-uso 'yan sa amin lalo na kapag nagse-celebrate na ng Foundation Week.

"Anong ginagawa ng mga epal na 'yan dito?" Pabulong kong tanong kay Cassey.

"Mga nakawhite sila so taga-SADPU," sabi niya.

Napairap na lang ako. Mukhang nasa akin na naman ang lahat ng kamalasan ngayon. Kinakalimutan ko na nga si Ace, pero lahat ng nakikita ko nakakapagpaalala sa kaniya.

"Sino 'yan?" Tanong naman ni Kendrick kay Georgina.

"Hindi ko alam," sagot nito.

Gusto kong sabihin sa kanila kung sino ang mga 'yan, pero baka makapagsimula pa ng away. Hindi ko kasi alam kung paano sila ikukuwento sa mga kaibigan ko nang hindi gumagamit ng masasakit na salita.

Kung malandi ako, lalo na sila!

"Small world," sabi ni Glena.

Kung wala lang talaga kami rito, nako, nakikipagbangayan na naman ako sa kanila. Matapang naman kasi talaga ako.

Sa online nga lang...

"Magkakilala kayo?" Nakarinig ako ng hindi pamilyar na boses ng babae. Mukhang 'yung kasama nila ang nagtanong.

"Yes," sagot ni Irene. "Schoolmates namin sila dati."

"Ah friend niyo rin?"

"Not so really." Narinig ko ang maarte niyang tawa, akala mo naman maganda. "By the way sinagot ka na ba ni Ace?"

Naging marahan ang paghinga ko habang pinipilit na 'wag gumawa ng gulo. Nakakainis kasi binanggit niya pa ang tungkol diyan sa lalaking 'yan. Naalala ko lang tuloy kung paano ako sinampal ng lalaking 'yon.

"Cassey, hindi ka pa rin pumapayat?" Tanong naman ni Glena. Tono pa lang nang-aasar na kaagad.

"Hindi ba obvious?" Nakatawang tanong ni Cassey. Hinawakan ko ang braso niya at palihim siyang sinenyasan. Sawang-sawa na ako sa away dahil hakot na ako kaninang umaga.

"Sorry, akala ko kasi tutuparin mo 'yung sinabi mo noong retreat na magpapapayat ka na. Hindi siguro ume-effect 'yung mga pampapayat mo no?"

Naging matunog ang pagngisi ni James kasabay nang pagtaas ng kaniyang kilay na on flick talaga. Tumikhim si Bubbles bago pasimpleng nilingon ang mga nasa likod ko. Si Cassey ang katabi niya sa kaliwa at si Darylle naman sa kanan. Ako ang katabi ni Cassey sa kaliwa tapos si Georgina naman sa gilid ko.

Nakangiting lumingon si Bubbles sa kanila. Hinawakan niya ang balat ni Glena. "Anong sabon mo? Gusto mo irecomend ko sa 'yo 'yung sa akin? Mukhang hindi kasi kinakaya ng gluta 'yung KAITIMAN mo." 

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon