🏰SYDNEY🏰
Inagahan ko ang gising ko dahil kailangan maaga kami ngayon. May laro kami before lunch kaya ngarag-ngarag din kami, pero mas maaga ang laro ng mga boys, dahil sila ang unang maglalaro ngayon. Sinabihan kami na bago mag 7:30 dapat nando'n na. Chinat naman ako ni Ace kung anong oras, sinabi ko para wala ng problema. Ayoko ng maulit ang nangyari kahapon kaya naisip ko na siyang layuan, pero paano ko 'yon gagawin? Eh sa Camp Bridge na ang punta namin mula ngayon.
Alam niya rin ang bahay namin kaya masusundo niya talaga ako anytime. Mukhang wala na talaga akong kawala sa isang 'yon. Nagbihis ako kaagad dahil malapit ng mag 6:30. 'Yan ang usapan namin ni Ace, babiyahe pa kasi tapos traffic pa kaya kailangan maaga talaga.
"Sydney? Anong oras ka aalis?" Tanong ni Ate Stacey. Kami na lang dito sa bahay, kasi nakaalis na rin sila Daddy. Wala silang pasok pero merong lakad. Hindi ko alam kung saan.
"Kung anong oras ako susunduin," simpleng sagot ko. Malapit na mag 6:30 kaya baka dumating na 'yon. Matutulog pa 'yan si Ate, hinahantay niya lang akong makaalis. "Tulog ka na."
"Sige lang," naupo siya sa couch at nangalumbaba. "Kayo na ba nung Ace?"
"Ha?"
"'Yung Ace kako? Kayo na?" Hindi ako makasagot, dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Alam ko sa sarili ko ang totoo, pero mukhang iba ang nakikita ng mga tao. "Wala naman sanang mali Syd, kasi nasa legal age ka naman na, nasa tamang pag-iisip na rin, pero nag-aaral ka pa. Marami na 'yung naanakan lang these days."
"Hindi naman ako gano'n." Gusto kong burahin ang maling konsepto na nasa isip nila. Oo maharot ako, pero katulad nga ng sinabi ko, hanggang doon lang talaga ang kaya ko.
"I know, pero iba kasi kapag magkasama ang lalaki at babae. 'Yung iba nga, ginagawa 'yon kahit first time lang nilang nagkita eh."
May point naman siya...
Napabuntong hininga na lang ako ng maalala ko ang ginawa ni Ace kagabi. Kinilabutan ako bigla, dahil parang nararamdaman ko ang dila niya sa tenga ko. Ngayon pa nga lang grabe na 'yung kaba ko, paano pa kaya kung magkasama na kami mamaya?
Sh*t na malagkit...
Napasandal ako sa couch habang pinag-iisipan ang mga pinag-gagagawa ko sa buhay. Kapag nalaman ni Cassey na nagpapasundo ako kay Ace, magagalit na naman 'yon. Kung papipiliin ako between Cassey and Ace, si Cassey ang pipiliin ko.
Think Sydney think! Use your coconut shell!
"Syd, magseseven na." Pinakita sa akin ni Ate ang lockscreen niya kaya nakita ko ang oras.
"Alis na ako," nagmadali akong kunin ang mga gamit ko. Marami-rami rin 'to dahil ilalagay namin 'to sa locker.
"Ang dami mong dala." Sinusundan ako ni Ate. Dinala niya rin ang isa kong bag. "Samahan kita, hatid kita sa labasan."
Hindi na ako tumanggi dahil kailangan ko talaga ng taga-dala. Ang bwiset na lalaking 'yon, paasa talaga kahit kailan. Tinignan ko ang account niya kaya nakita kong online siya. Nakapagshare ng memes pero 'di makareply? Paasa ka talaga...
Nakarating kami ni Ate sa highway and katulad ng inaasahan ko, traffic nga. At ang pinakamasakit sa lahat, mukhang mahirap pang sumakay. Chinat ko sina Kendrick kaya nalaman kong nando'n na sila sa Camp Bridge. Si Darylle naman otw na. Natuwa ako ng makita ko si Cassey na patawid. Kinawayan ko siya kaagad at hinantay na makatawid sa kabila.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21