Chapter 257: GRAY WOLVES VS. RED LIONS 2 (SFD2)

105 10 0
                                    

🏰DARYLLE🏰

Talaga namang unstoppable ang pinsan kong hilaw. Tatlong sunod-sunod na three point shot na ang napapasok niya, samantalang 'yung kalaban namin wala pa kahit isa. Sobrang ingay talaga ng mga schoolmates namin. Panay din ang tawa nila habang nanonood. Paano ba naman kasi, itong si Alex ang lakas mang-asar. Nakikipag-talksh*tan din siya sa mga kalaban namin. 'Yung isa ngang guwardiya ayaw na siyang bantayan kasi nayayamot na sa kaniya. Kaya ang nagbabantay sa kaniya ngayon ay 'yung center ng mga leon.

'Yung malaking babae...

Malaki ang tiwala namin kay Alex, kasi bukod sa ang galing niyang kumawala mula sa mga nagbabantay sa kaniya, wala pa rin siyang sablay kahit isa.

'Wag nating batiin...

"Prrrrrt!" Napalingon kaming lahat dahil nagpitu-pituhan 'tong si Alex. Wala siyang pito kaya ginaya niya na lang 'yung tunog non. "Traveling 'yon oh," tinuro niya si Kia na nasa loob at sobrang layo sa kaniya. Nahinto tuloy ang oras dahil nagsasabi rin si Coach Reiven sa referee na traveling nga raw. Lumapit ang referee sa committee para ireview ang kuha, nang sa gano'n ay malaman kung may violation nga ba.

Nag-sigawan ang lahat ng lobo nang ianunsiyo ng commentator na may traveling nga. Naghiyawan ang lahat, at siyempre bida na naman ang human whistle na si Alexaundra, walang titibag dahil siya raw ang bida rito.

Ang tindi ng mata...

Nakita niya pa 'yon?

Ipinasa sa akin ni Yiren ang bola. Kasalukuyan na kaming bumababa at dumidiskarte para madagdagan ang puntos namin. "Kalat," sabi ko. Dala-dalawa na ang nagbabantay kay Alex, pero mukhang kailangan pa ng isa sa sobrang likot niya.

"Habulin niyo ako," sabi niya sa mga bantay, habang panay ang tawa. 'Yung tawa niyang pambata.

Pasaway talaga...

Natawa ako kaya pinasa ko na lang kay Sydney, dahil baka maagawan pa ako. Nagjump shot si Sydney at pumasok naman 'yon, kaya nanakbo na kami pabalik.

Long 2...

"Go S-S-S-Sydney!"

"Go Zoñio!"

Kung babasehan ang laro nila, para kaming nasa practice game. Hindi ko alam kung kabado lang ba sila o talagang hindi sila masiyadong marunong. 'Yon kasi ang nakikita ko sa galaw nila. Kapag marunong ka maglaro ng Basketball, madali na lang para sa 'yong alamin kung marunong bang maglaro ang isang tao o hindi. Sa pagdribol pa lang ng bola malalaman mo na.

"Prrrrrt!" Nahinto na naman kami dahil umaalma na naman 'to si Alex. Sinenyas niya sa referee 'yung number ni Kia tapos sumayaw ng Alex Dance Craze. 'Yung sign kasi ng mga referee kapag tumatawag sila ng traveling ay kapareho ng sa Alex Dance Craze. Ang kaibahan nga lang, ang mga referee hindi kumekendeng.

"Woah!"

"Wahahahahahahahahahahaha!"

"Nakakatawa, ang kulit ng number 55!"

"Ang cute!"

Pati kami natawa na dahil sa sobrang hataw nitong pinsan kong hilaw. Iiling-iling 'yung mga referee habang naglalakad palapit sa committee. Hindi kasi sila pwedeng basta na lang tumawag. Kailangan irecap 'yon, dahil sa ibang tao nanggaling ang tawag o reklamo. Nagsigawan na naman dahil tama na naman ang sinabi ni Alex. Traveling nga si Kia, kitang-kita sa video kahit sampung beses pang ulitin. Lalo kaming natawa ng makita namin si JC na nakatayo habang ginagaya ang sayaw ni Alex, hanggang sa magsunuran na ang ibang mga lobo at nakisayaw na rin.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon