🏰SYDNEY🏰
Sobrang sakit ng katawan ko kaya kahit tunog na ng tunog ang alarm ko ay ayaw ko pa ring bumangon. Nakakatamad kasi dahil ang sarap-sarap ng tulog ko. Talagang kumakapit sa katawan ko 'yung aircon at malambot na kutson. May laro kami ngayon pero 'di ko alam kung sino ang kalaban. Pagdating na pagdating ko kasi, natulog na ako kaagad. Hindi na rin ako nakapagdinner dahil wala namang nanggising sa akin. Alam naman siguro nilang pagod ako.
"Sydney?" Narinig ko ang boses ni Mommy sa labas. "Sydney? Wake up." Sunod-sunod na katok niya. "You'll be late anak."
Nagparaungot pa ako bago tuluyang minulat ang mata ko. "5 minutes," medyo nilakasan ko ng kaunti para marinig niya.
"Bangon na," madiing sabi ni Mommy. Napabangon tuloy ako sa pagkakahiga.
"Ito na nga." Bumangon na ako at pinagbuksan na siya ng pinto.
"Kumain na. Hindi ka kumain kagabi."
"Mommy..." Naglambing ako sa kaniya at yumakap. Ginawa kong unan ang likuran niya. "Mommy oh, maaabutan na kita." 'Yung height namin ang tinutukoy ko.
"Inaantok ka lang eh." Natawa ako. Alam niyang nakapikit ako habang nakaunan sa likod niya. "Let's eat, 'wag paghantayin ang pagkain."
"Anong ulam?" Niyakap ko ang braso niya at nilinggisan siya.
"Hulaan mo."
"Ano ba 'yan?" Reklamo ko. Nagmadali akong bumaba para makita kaagad ang pagkain. Naabutan ko si Daddy na may hawak na blueprint. "Hala ang sarap." Natakam ako sa sinigang na baboy. Umuusok pa dahil sa sobrang init.
"Ako nagluto," sabi ni Ate. Nakaupo na siya sa upuan niya.
Naupo na rin ako dahil nagugutom na ako. "Ay hindi 'yan masarap," biro ko. Natatakam ako sa kangkong na berdeng-berde ang kulay.
"Salbahe, masarap daw sabi ni Daddy."
"Ows?" Nilingon ko si Daddy na nakatingin na pala sa amin.
"Nakatsamba man..." Natawa kami ni Daddy.
"Hoy grabe," nakabusangot na siya habang pinanonood kaming pagtawanan siya. "'Wag kayo kakain." Lalo lang namin siyang tinawanan.
"Kain na," yaya ni Mommy. Nagsimula na kaming magdasal at kumain.
"Tikman nga natin, kung masarap ba ang luto ni Ate." Nagsalin na ako ng ulam ko sa mangkok ko. Nagrereklamo na ang tiyan ko. Pakainin ko na raw siya.
"Masarap 'yan," sabi na naman ni Ate. Pinagpipilitan niya talaga kaya mukhang masarap naman. Kapag hindi kasi masarap ang luto niya nananahimik 'yan at naghahantay na may mapansin kami sa niluto niya. "Masarap?"
"Nakatsamba nga," sabi ko sabay tawa.
"I told you." Tinaasan ako ng kilay ni Daddy.
Hindi pa ako nakakakain ng marami pero nabusog na ako sa kakatawa. Si Daddy kasi 'yung mga tinginan niya, nakakapang-asar talaga. Ganiyan talaga siguro ang mga inhinyero, mga loko-loko.
Nang matapos akong kumain ay naligo na ako kaagad. Nagmadali akong magbihis at tinawagan na si Cassey. Magkasabay kaming pumapasok at umuuwi para makaiwas ako sa panghaharang ni Ace. Kahapon nga nagmadali talaga akong umuwi para hindi na siya makaporma.
Nakakatakot kasi...
Nagsusuklay na ako ng tumawag sa akin si Cassey. Sinagot ko siya kaagad kasi baka importante. "Yes? Why? Bakit?" Sunod-sunod kong tanong.
"Nakita ko si Ace sa labas ng bahay niyo."
"Oh?" Natakpan ko kaagad ang bibig ko at palihim na dumungaw sa labas. "Nando'n nga." Nakita ko siyang nakatayo sa labas ng kotse niya at nakasandal. "Nasaan ka?"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21