Chapter 310: LOOKING AT HER 1 (SFD4)

125 12 0
                                    

🏰MINA🏰

Talagang pagod na pagod ako sa kahahanap kay Sean. Magmula nang makarating ako 'yan na ang inatupag ko. Nang makita ko ang story niya ay umalis na ako kaagad. Inasahan ko na kasing hindi niya ako susunduin, pero mali ako. Nagchat siya sa akin na nando'n na raw siya sa bahay nila. Tumupad siya sa usapan pero naiinis pa rin ako. Kapag iniisip kong nando'n siya sa bahay nila Tito Eugene, gusto kong sumugod doon.

Alam kong naglalandian sila ro'n, katulad ng ginagawa nila dati noong iniiputan nila si Luke sa ulo. Alam na alam ko na ang mga galawan nilang dalawa. Magmula sa kung paano sila nagsimula hanggang sa matapos. Kaya wala silang maitatago sa akin, dahil bantay sarado ko sila noon. Bantay salakay na kung bantay salakay pero anong magagawa ko? Gusto ko si Sean, noon pa.

Palihim akong bumubuntot sa kaniya at ini-stalk ko rin siya sa lahat ng account niya sa social media. Hindi ko alam kung napapansin ba niya ako noon pero ayos lang kahit hindi.

Naging close lang naman kami dahil kay Audrey. Naging kaibigan namin siya dahil siya mismo ang nag-approach sa amin ni Bridgette. Aaminin ko, humanga ako sa katangian niya na hindi ko pa nakikita sa iba. Kasabay ng paghanga ay namuo ang inggit sa puso ko, dahil alam kong sa kahit anong laban ay hindi ako mananalo.

FLASHBACK

Para nang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba, habang papasok ako sa room namin. Ito ang unang araw ko sa Kingstone kaya grabe ang kaba ko. Wala akong kasamang kaibigan dahil wala naman ako non. Hindi ko alam kung ano bang ayaw nila sa akin. Mabait naman ako at hindi naman ako suplada pero paulit-ulit lang akong naiiwang mag-isa.

Nakakasama ng loob dahil lahat sila may kasama maliban sa akin. They said, no man is an island. But how 'bout me? Bakit ako mag-isa? Kung totoo man 'yon?

Inayos ko ang salamin ko dahil muntik ng mahulog. Nanginginig kasi ang kamay ko dahil sa kaba. Ang sabi nila Mommy dapat daw magsalamin para hindi na masiyadong lumabo ang mata. Hindi naman gano'n kalabo ang mata ko pero para hindi raw lalong lumabo, magsalamin na.

Halos mabuwal na ako sa kinatatayuan ko dahil may bumangga sa likod ko. Babae siya at hindi man lang nagsorry. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko, at hinanap ang room namin.

7-Ruby...

Nahinto ako sa room 205 dahil nagmatch 'yon sa card na hawak ko. Lumapit ako sa tablet na nasa gilid. Tinype ko ang pangalan ko, and kinonfirm na nakapasok na ako sa loob. Nandoon ang picture ko na kapareho ng nasa ID ko na kinuha bago pa magsimula ang pasukan. Huminga ako nang malalim bago hinawakan ang doorknob. Isang malamig na hangin ang sumalubong sa akin, nakapagpadagdag 'yon sa kaba na nararamdaman ko. Iilan pa lang ang tao na nando'n sa loob pero lahat sila nagkukuwentuhan. Mga nakaupo sa mesa at nagtatawanan.

"Transfer?" Tanong ng babaeng nakaupo sa teacher's table. Nakangiti akong tumango. Lalo akong kinabahan ng pasadahan niya ako ng tingin. Walang mali sa ginawa niya pero nag-iwan 'yon sa akin ng hindi magandang impression.

Naghanap ako ng upuan na bakante. Marami pa naman pero nahihirapan ako dahil nahihiya ako. Umakyat na ako at nagpunta na lang sa dulo. Sa sobrang clumsy ko, nadapa ako dahil akala ko wala ng step pataas, meron pa pala. Kumalabog 'yon sa buong room kaya pinagtinginan ako. Wala namang tumawa noong una, pero nagsimula 'yon sa babaeng nakaupo sa teacher's table hanggang sa nahawa na ang iba.

"Ito kasi, tumawa pa," sabi ng lalaki sa babae.

"Hindi ko naman sinasadya."

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon