Chapter 356: ASSUMING 2 (SFD6)

100 12 0
                                    

🏰LUKE🏰

Doon kami sa parang arcade nagpunta. Dumistansiya lang kami ng kaunti kina Guione, para makadiskarte siya ng maayos. Mahirap naman 'yung dikit kami ng dikit sa kaniya, kapag gano'n ang ginawa namin baka hindi sagutin ni Joice si Guione. Malaki na rin naman 'yan si Guione, kayang-kaya na niya 'yan.

"Uy Xing," tawag ko sa sentro naming iniilagan ng mga kababaihan dahil sa sobrang sama niyang tumingin. He's not in the mood. "Dito tayo," yaya ko pero umiling. Lumingon si JC at sinenyas ang kaibigan na ayaw daw niya ro'n. "Okay," sabi ko na lang. Wala pa naman kami natatry, kasi hindi naman na ako naeexcite sa ganiyan. Nagsawa na kami diyan ng mga brader ko dati. After exam, lagi kaming nagpupunta sa mall para maglaro.

"Ayaw?" Tanong ni Matt.

"Ayaw daw," sagot ko. Nilingon ko si Guione na nakatayo doon sa kabilang tent. Maglalaro yata sila, kasama 'yung mga kaibigan ni Joice. "One!" Tawag ko sa brader namin. "Doon lang kami," tinuro ko 'yung pinuntahan nila Yixing. Tumango naman siya kaya sumunod na kami ni Matthew.

"Bakit ba badtrip 'yon?"

"Ewan ko," nagkibit balikat ako. Gusto ko sanang sabihin sa kanila 'yung plano namin ni Marco, pero baka magalit sa akin si Marco. Next time na lang siguro, kapag naiuwi ko na siya. "Baka naman naoffend doon sa sinabi ni Guione kanina."

"Baka," tumango siya bago sinulyapan sina Guione sa likod. "Minsan kasi si Guione hindi rin napipigilan. Tignan mo kay Audrey, kung makapagsalita rin grabe."

"'Wag mo ng isali 'yon," nakatawang sabi ko. Tumawa rin naman siya at inakbayan ako. Masaya ako dahil ang babaeng pinag-aawayan namin noon, pinagtatawanan na lang namin ngayon. Gano'n nga siguro ang buhay, kailangan subukin ang pagkakaibigan para malaman mo kung hanggang saan ang katapatan niyo sa isa't-isa.

Hindi ko alam pero parang lumalawak na ang pang-unawa ko. Nahahawa na yata ako kay Daddy. Naisip ko kasi na wala naman kasalanan si Matthew. Gaya ko, sumugal lang din naman siya.

'Yung issue namin, kinakalimutan ko na. Though minsan nagkakaroon ng silipan, but at least hindi na gaya ng dati. Mas maayos na kami ngayon, kaya sana magtuloy-tuloy na 'to.

Nakita namin ang magkaibigan na nakaupo na naman sa mesa. Nandoon sila sa malilim kaya naupo na lang din kami. Hindi siguro siya interesado sa mga 'yan. Sa bagay, masiyadong malaki si Yixing para maglaro lang doon.

Tanaw na tanaw ang mga batang naglalaro sa field. Ang iba naglalaro ng dodge ball, ang iba naman ay patintero at nagseskateboard. Nagkakainan ang mga nasa gilid at may nagdedate pa.

"Okay ka lang ba?" Naupo ako sa tapat ni Yixing. Maski si JC hindi makapag-ingay, dahil wala nga sa mood itong bestfriend niya. "Baka masama pakiramdam mo."

Umiling naman siya at huminga ng malalim. Yumuko siya at pinagmasdan ang sapatos. "Ang hirap intindihin ng mga babae," aniya sabay pilit na tumawa. Nilingon ko si JC para tanungin sa pamamagitan ng tingin. Nagkibit balikat siya. Wala ring ideya sa pinaghuhugutan ni Yixing.

"Ano ba 'yon?" Sinikap kong 'wag magtunog tsismoso, dahil hindi naman 'yon ang intensiyon ko. Nakakapanibago kasi ang kinikilos niya. Hindi naman siya ganiyan, lalo na kapag kasama niya si JC. Minsan nga mas maingay pa 'yan kay JC. Lakas ba naman tatawa.

"Mukhang alam ko na," ani JC. Sinamaan siya ng tingin ni Yixing kaya nanahimik kaagad. "Sorry na Xing, last ko na 'yon promise." Makahulugan ang tingin ko kay JC. Sinusubukan kong alamin ang totoo pero ngumiti lang siya. 

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon