🏰MARCO🏰
Sobrang saya ko ngayong araw, at siyempre si Boa na naman ang dahilan. Naghahantay lang ako sa kaniya ngayon, nagbabaka sakaling maisipan niya akong dalawin ulit. Wala naman sigurong masama na umasang darating siya ngayon. Normal lang naman siguro 'yon kapag in love ka.
Aaminin ko, nagdadalawang isip na naman ako kung itutuloy ko ba 'yung plano namin ni Luke. Chinat ko siya gamit ang laptop ko na nakuha ko mula kina Inday. Malaking tulong din talaga, dahil nakakausap ko ang gusto kong kausapin kahit palihim lang.
Panay ang hiling ko na sana magpakita naman sa akin si Boa kahit ngayon lang. Kapag nagkataon kasi uuwi na ako bukas. Hindi ko alam kung kailan ulit kami magkikitang dalawa. O kung magkikita pa nga ba?
Naglinis ako ng bahay para kung sakaling dumating siya. Inayos ko rin ang mga gamit ko para hindi naman nakakahiya sa kaniya. Hindi ako mapakali kakapunas, dahil Sabado ngayon, malaki ang tiyansa na umuwi siya anumang oras.
Naupo muna ako habang hinahantay si Boa. Feeling ko kasi talaga pupunta siya. Sabado ngayon, walang pasok kaya malamang pupunta talaga 'yon. Lumapit ako sa salamin at inayos ang buhok ko. Dapat lagi akong pogi para mabihag ko kaagad ang puso niyang pagkailap-ilap.
'Pag dumating ka akin ka...
At ako'y sa 'yo na rin!
Naupo muna ako at nanuod ng kung anu-ano. Nasaktuhan ko pang si Mama ang iniinterview sa isang show. Ibinibida niya na naman ang mamahalin niyang mga gamit. Sa pagkakangiti niya, parang hindi man lang siya nawalan ng anak. Nakakasama talaga ng loob, pero inasahan ko ng wala man lang siyang gagawin para hanapin ako.
Siya nga nagpalayas sa akin...
Ilang minuto pa akong nanatiling nakaupo. Inilipat ko na ang TV dahil hindi ko gustong makita ang Mama ko. Masama na kung masama pero hindi ko talaga siya gusto. Kasi hindi niya naman yata ako mahal.
Si Ate lang ang gusto niya...
Napatayo ako dahil nakaramdam ako ng kaunting gutom. Wala naman sigurong masama kung kakain muna ako. Makakapasok naman dito si Boa kahit wala ako. Sa kaniya naman kasi 'to eh, nakikibahay lang ako.
Nagsuot muna ako ng mga pantakip sa katawan at mukha para walang makapansin sa akin. Tahimik akong lumabas ng unit at naglakad ng normal. Medyo nasanay na rin ako, hindi na gaya dati na masiyado akong kabado sa paligid.
Sa mga kainan sa labas ng hotel ako nagpunta. Mas mura kasi rito kumpara sa iba. Mauubos na ang pera ko kaya kailangan ko ng magtipid, lalo na kung magbabago pa ang desisyon ko. Nang makita ko kasi si Mama, nawalan ako ng ganang umuwi.
Bakit kasi siya pa ang naging Mama ko?
Ang dami-dami namang iba diyan...
Bumili ako ng sapat at kaya ko lang ubusin. Unti-unti na rin akong nasasanay sa mga pagkain dito. Parang mas gusto ko na nga lang din 'yung ganito, dahil nakakapili ako ng gusto kong kainin at ulamin. Sa Palasyo kasi, kung ano ang lutuin nila 'yon na ang kakainin namin. Higit na mas masarap ang pagkain doon kumpara rito, pero wala kasi 'yon sa lasa. Kahit ano kasing sabihin mo, kapag sawa ka na, sawa ka na talaga.
Mas gusto ko na yata talaga rito...
Umayos ako ng tayo kaya nakita ko ang isang lalaki na nakatingin din sa akin. Umiwas siya kaagad nang mahuli ko. Akala ko wala lang 'yon, pero ilang beses ko na siyang nahuling tila pinagmamatiyagan ako. Nag-umpisa na akong mangatog nang makita kong hindi lang isa o dalawa ang nandoon. Magkakapareho sila ng suot.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21