Chapter 386: VICTIM

110 14 2
                                    

🏰ALEX🏰

Sabi ko na nga ba magagandahan sila sa pangalan na ibibigay ko eh. Wala talagang makakatalo sa akin pagdating sa larangan ng pagpapangalan. Ako talaga ang pinakamahusay sa buong mundo, na kahit si Mamaw ay hinding-hindi ako matatalo.

Busy'ng-busy ako kakahele rito kay Tuka. Ayaw niya kasi tumigil sa kakacry eh. Ginawa ko na lahat ng uri ng paghehele, binale-balentong ko pa nga pero ayaw talaga huminto. Habang nag-iikot ay naghahanap din ako ng mabibilhan ng dedean, baka kasi gusto na niya ng milk. Kung may milk lang ang b**bie ko paded*dein ko siya eh, kaso wala. At isa pa, masiyadong malaki ang b**bie ko para sa tuka niyang pagkasmall-small.

"Tumigil ka na." Parang gusto ko na siyang ibalik sa tiyan ng Mamaw niya. Isinuksok ko ang daliri ko para kurutin siya. Ang tigas kasi ng head eh. Ayaw magstop kakacry. Wala naman siyang tears.

Bigyan ko kaya?

O i-seminar ko muna?

"'Wag mo kasi siyang takutin," ani Ethan. Nahinto kami sa paglalakad para asikasuhin 'tong si Tuka. Hindi na tuloy ako makapagplay. Mahirap pa lang maging baby'ng Mamaw. Kasalanan ko 'to, ang aga ko kasing lumandi.

"Hindi ko naman siya tinatakot."

"Mamamatay 'to ngayon 'pag hindi mo inalagaan ng maayos."

"Hala..." Iniisip ko pa lang ang burol niyang magiging engrande naiiyak na ako. Hindi ko pa nga napapaembalsamo ang kayabangan ko may panibago na akong gastusan. Nakakaiyak talaga. Napakahirap maging isang Rich Baby'ng Mamaw.

"Alagaan mo kasi Ate Alex. 'Wag mo siyang ihele kasi naalog."

"Bawal ba 'yon?"

"Hindi naman, pero hindi naman kasi 'to tao. Okay na 'to na nakatayo lang siya."

"Okay," kinuha ko na ulit si Tuka. Hinawakan ko na lang ng maayos para hindi na siya mahilo. Baka mamaya magsuka pa 'to, wala akong pambili ng bonamin pampatanggal ng hilo. "Saan tayo next?"

"Sa rides," ani Buknoy. Siya ang boss ngayon, siya ang madalas masunod. "Gusto ko ro'n sa parang itlog."

"'Wag doon," ani Joseph. "Doon sa may nakakatakot."

"Ayaw ko ro'n." Yumakap siya kaagad sa akin. "Takot ako sa gano'n."

"Sa iba na lang," ani Tupe.

Nauwi kami sa pagkainan. Bumili kami ng hotdog 'tsaka softdrinks. Doon kami nagmeeting kung saan ang sunod naming destinasiyon. Ayaw kasi nila ro'n sa mga laruan, madadaya raw kasi 'yon. Hindi ko lang masabi-sabi, dadaya pa ba sila sa akin? Eh ako ang bida rito.

Pero tinamad ako eh...

Bukas na lang siguro...

"Umuwi na tayo," yaya ni Eric. Sumimangot kami ng mga kamag-Baby ko. "Gabi na kasi, tapos may pasok pa bukas."

"Sabado naman bukas eh," katuwiran ni Joseph.

"May pasok kami." Ayaw talaga magpatalo nitong Papa ni Umbag. Akala niya papayag akong siya ang masunod dito. Hindi naman siya ang bida rito eh, ako lang at wala ng iba pa.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon