🏰DARYLLE🏰
Kanina pa hindi mahinto si Alex sa pagyayabang ng pizza na hiningi niya kay Luke. Ewan ko ba diyan sa isang 'yan, hindi siya nakakahalata na kaya lang naman mabait sa kaniya 'yung taong 'yon eh, dahil sa kamukha niya 'yung ex-girlfriend niya. Talagang pinandigan niya 'yung pagyayabang ng pizza, hindi niya kami binigyan o maski inalok man lang. Pinapakita niya pa sa amin kung gaano siya nasasarapan sa pizza na dinekwat niya lang.
Sobrang nag-enjoy kami sa laro na 'yon. Nakakapanindig balahibo naman talaga sa sobrang kaba. Napapatili at napapasigaw kami nila Sydney sa sobrang kaba. Kung ako siguro ang nando'n sa mga naglalaro, hihimatayin ako sa sobrang kaba. Fortunately, nakalusot naman sila mula sa bingit ng kamatayan.
Hindi ko sila masisisi kung nahihirapan sila, dahil mahirap naman talagang makipagbanggan sa mga taong bihasa na rin sa gano'ng larangan. Sa Basketball girls kasi, lamang ang mahina kaysa sa malakas, dahil hindi naman 'to forte ng mga babae kung tutuusin. Pero sa mga lalaki, lamang ang marunong kaysa sa hindi, dahil karamihan sa kanila ay sanay na sanay na.
'Yon ang pinagkaiba...
"Saan tayo kakain?" Tanong ni Cassey. Si Sydney busy sa pakikipagchat kina Georgina.
"Sa pinggan," sagot ni Alex habang yakap-yakap ang box ng pizza. Wala talaga siyang balak mamigay. Natawa kami ni Sydney.
"Te alam kong sa pinggan, 'wag mo akong paandaran."
"Sinagot lang naman kita Fluffy ah. Bakit nagagalit ka?" Nakangusong tanong niya. "Hawakan mo 'to, yayakapin ko si Fluffy." Pilit niyang pinahahawakan sa akin ang box ng pizza. "I hold mo Babe."
"Tigilan mo nga ako ng Babe-Babe mo na 'yan Alex. Naasiwa ako."
"Hawakan mo na kasi," nag-iinarte na naman siya. Nagboboses bata kahit na hindi naman na bata. Isip bata lang...
"Oo na," inis kong kinuha ang box habang tumatawa siya.
Yumakap siya kay Cassey kaagad. "Ang lambot-lambot mo talaga Fluffy!" Nagkikilig na naman siya kaya nagtinginan kami ni Cassey. Nanlaki ang mata ko ng makita kong dinakma niya ang dibdib ni Cassey. "Wow! Fluffy! Ang lambot din 'tsaka malaki!"
"Hala ka," sabi ko.
"Hoy!" Agad na inalis ni Cassey ang mga kamay ni Alex pero hinawakan niya ulit. "Alex!"
"Ang soft," para siyang pusa na nanlilinggis.
"Alisin mo," saway ko. Nasa labas kasi kami at nakakahiya sa mga nakakakita.
"No!"
"Isa!"
"Alex masakit," reklamo ni Cassey.
"Hoy Alex masakit 'yan." Tumulong na rin si Sydney. Pinalibutan namin si Cassey para hindi makita ng ibang mga estudyante na lumalabas sa exit ang ginagawa niyang pambabastos.
"Isa," kinurot ko na siya kaya napabitaw na. Tumigil nga sa pang-yakap, umiyak naman. "Ang tigas ng ulo mo ah?" Sininghalan ko siya dahil wala na sa hulog ang kilos niya. "Okay ka lang?" Tanong ko kay Cassey.
Nakangiwi siya at sapa-sapa ang dibdib niya dahil sa paghinga. "Buhay pa naman," aniya. Para siyang nanakbo ng ilang kilometro. Bakas ang hingal sa pag-angat ng dibdib niya. "Sh*t, feeling ko nabawasan 'yung taba ko."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21