Chapter 281: NEW BOARDER

114 10 3
                                    

🏰ERIC🏰

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makaget over sa mga narinig ko. Oo, naniniwala ako kay Ganda, pero 'yung babaeng nasa picture, kamukhang-kamukha niya talaga. Ngayon ko lang nakilala si Ganda kaya hindi ko alam kung ano talaga ang totoo. Kung pagbabasehan kasi ang picture, aakalain mo talaga na si Alex 'yung sinasabi nilang Audrey. Medyo may pagkasinungaling pa naman 'to si Ganda minsan, kaya lalo akong naguguluhan.

Hinantay ko munang makaalis ang mga kamag-anak ni MU bago ako tumayo. Si Ganda abalang-abala sa paghehele kay Umbag na gusto yatang bumaba.

"Umbag ang hard ng head mo," hinampas niya ang tagiliran ni Umbag. "Akala ko pa naman very good ka na."

"Ganda," tawag ko. Sinenyasan ko siyang lumapit at sumunod naman. Nagulat akong ng kumandong siya sa akin. "Ganda, 'wag ganiyan, baka makita tayo ng mga bata."

"Ano naman? Si Umbag nga nikakalong ko eh, kaya dapat ako rin kalungin mo." Tumagilid siya kaya nakita ko ang napakaganda niyang mukha. "Masakit ba?" Hinawakan niya ang parte ng mukha ko na nasuntok kanina.

"Hindi naman," umiling ako at ngumiti. "Ikaw?" Inayos ko ang buhok niya. "May masakit ba sa 'yo?"

"Wala rin," nakangusong sagot niya. Ang cute niya talaga. "Sana 'wag ng bumalik ang mga pangit na 'yon. Nakakasuka ang mga pagmumukha nila. Mukha silang mga espasol." Hinahaplos-haplos niya ang balahibo ni Umbag.

"Alex, may itatanong ako sa 'yo, please 'wag kang magsisinungaling sa akin ha?" Tumango naman siya. Tumikhim ako habang pinag-iisipan kung tamang bang tanungin ko siya. "Ahmm... Ganda, hindi mo ba talaga kilala sila Sean?"

"Hindi nga," inis niyang sagot. Kinabahan tuloy ako nang tumayo siya at lumipat sa harap ko. "Sabi ko na nga ba hindi ka bumebelieve sa akin eh."

"Naniniwala naman ako sa 'yo."

"Eh bakit mo pa ako inaask ng ganiyan? Kung talagang bumebelieve ka sa akin, hindi mo ako pagdadoubtan." Sobrang sama ng tingin niya sa akin. Nakakunot ang noo habang nakanguso. Napaawang ang labi ko nang makita kong pati si Umbag ay ang sama rin ng tingin sa akin. "Ayaw ko na nga! Baby-reak na tayo!"

Napatayo ako para harangan siya. "Ganda, wait lang makinig ka muna sa akin." Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat. "Naniniwala ako sa 'yo, pero kasi kamukha mo talaga 'yung babae." Napanguso siya. "Hindi mo ba 'yon kilala?"

"Hindi, nagulat din ako kung bakit kaface ko siya. Pero sure ako, hindi ako 'yon Eric. Magbelieve ka naman sa akin. Tanungin mo si Erning gusto mo pati si Mamaw tanungin mo na rin."

"Nasabi mo na ba sa kanila na may kamukha ka?"

"Hindi, hindi naman kasi siya nagtatanong. At isa pa, hindi naman ako interesado."

"Pero dapat sinabi mo pa rin."

"Hindi ko ba nasabi sa 'yo ang tungkol do'n? Nasabi ko na yata sa 'yo eh."

"Wala akong matandaan." Narinig kong lumabas na sila Tupe sa kuwarto nila. Naririnig ko na ang boses nilang bumubulong at nagtatanong kung ano ang nangyari. "Sabihin natin kay Tita ang tungkol doon."

"'Wag na," umiling siya at ibinaba sa Umbag. "Doon ka muna kina Kuya Buknoy mo at nangangawit na si Mamaw." Sinipa niya na naman si Umbag kaya nagtatahol na naman. Nakapasok na rin si MU sa bahay. Naupo na rin siya sa sofa. Halatang napagod sa kakaawat sa mga kamag-anak niya. "'Wag niyong sasabihin kina Mamaw ang tungkol doon. Hindi naman na 'yon mahalaga dahil wala naman na sila rito. At isa pa, kayang-kaya ko naman 'yon dahil lampatutay naman sila."

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon