Chapter 270: GET DRESSED

95 11 1
                                    

🏰ALEX🏰

Nagising ako dahil may dumidila sa pisngi ko. Napangiti kaagad ako ng makita ko si Umbag na nakatayo sa ibabaw ko. Namiss siguro ako ng anak ko kaya ganiyan. Napangiti ako dahil parang ang laki na niya kaagad. Alaga siguro siya sa d*de na filled with milk. Alaga at sagana sa gatas ng ina. Hindi talaga kami nagkamali ng kinuhang taga-alaga.

The best ang gatas mo Nanay Edna!

"Good morning Umbag." Ako naman ang nanghalik. Bumawi ako dahil nakarami yata ang unico hijo ko sa akin. "Namiss mo si Mamaw?" Tumahol-tahol ang anak ko. "Ako rin, namiss din kita." Hinug ko siya ng sobrang higpit. 'Yung pinakamahigpit sa buong mundo. Tumayo ako at lumabas ng kuwarto. Naabutan ko ro'n si Tita Gloria'ng pagkapangit-pangit. Siya ang nagpapakain kay Tito Tonton. Nando'n din ang dalawa niyang anak na buglat. "Good morning," bati ko sa kanila.

"Good morning Uod," ani Tito.

"Good morning," lumapit sa akin si Ate Darlene. Natawa ako dahil bumeso siya doon sa parte na dinilaan ni Umbag. Hindi na lang ako umimik para masaya. Mas madumi, mas masarap.

"Hi babe," bati ko kay Darylle, na tinutupi ang ilang damit ni Tito.

"Hello," aniya. Inilapit ko sa kaniya si Umbag kaya lumayo siya sa akin. "Nagtutupi ako, Alex 'yung balahibo." Napanguso ako.

"Kumain ka na," ani Tita Gloria. Napangiti ako ng makita ko ang pagkain. Amoy pa lang mukhang busog na si Umbag.

"Si Kuya?" Sigurado ako nandito si Nanay Edna, dahil nandito rin sina Umbag eh.

"Na kay Tito Morgan," sagot ni Ate Darlene bago tumawa. Nagkasenyasan pa kami kaya mukhang alam na ang nangyari. Siguro dapat si Tita Gloria ang magbabantay kay Pañero, pero nag-inarte na naman.

"PaBIBI," bulong ko. Lumingon sa akin si Tita Gloria'ng pagkapangit-pangit. Narinig niya yata ang sinabi ko, dahil ang sama ng tingin sa akin. Naupo na ako sa upuan para makipaglaban sa mga pagkain. Ibinaba ko si Umbag dahil nangangawit na ako. Humarap siya sa akin habang nakalawit ang dila. "Gutom ka na anak ko?"

"Kinacareer mo ah," ani Darylle. "Bawal yata siya niyan. Nagded*de pa yata 'yan eh."

"Pwede na yata pero maliliit lang." Naaawa ako kay Umbag. Mukha kasing gutom na siya eh. "Kawawa naman ang Umbag ni Mamaw," nagbaby talk na naman ako habang nakanguso. Lumapit siya sa akin at nanlambing. "Halika na nga," kinalong ko ulit siya. Sinusubuan ko siya habang kumakain ako pero maliliit lang talaga.

"Nguso?" Bumukas ang pinto kaya nakita ko si Mamaw. "Kain na tayo," yaya niya.

"Kumakain na kami." Nginuso ko si Umbag na humaharupak na ng sinarsahang manok. Hindi ko alam ang tawag dito eh.

"Hoy ikaw na pangit ka," nanggigigil na naman si Mamaw ng lumapit sa amin. Si Umbag yata ang type niya ngayon. "Hindi ka pa nagbebless, hindi ka pa nagbebless." Pinalo niya si Umbag sa paa.

"Mamaw," saway ko. Ayaw kong nasasaktan ang Umbag ko. Ako lang ang pwedeng mamalo sa kaniya.

"Bless," utos niya kay Umbag. Inilapit niya ang kamay niya sa apo niya. Idinikit naman ni Umbag ang noo niya sa likod ng palad ni Mamaw. "Good boy," ginulo ni Mamaw ang balahibo niya.

"Tsh," tinawanan kami ni Tita Gloria'ng pagkapangit-pangit. "Feel na feel niyo ah?"

"Paki mo?" Inirapan siya ni Mamaw. "Halika na Nguso." Kakargahin na niya ako.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon