Chapter 273: ERIC VS. SANTIAGO MADRIGAL

91 10 0
                                    

🏰ERIC🏰

Busy'ng-busy kami ng mga bata sa kadedecorate ng bahay nang makaalis si Mother Uji. Para kaming mga daga na nagpiyesta ng mawala ang pusa. Nagtulong-tulong kaming lahat para maayusan ang bahay. Siyempre, naglinis din kami para mas magandang ayusan.

Ako na ang humarap sa lutuan. Tinulungan naman ako nila Tupe na magprepare ng mga gagamitin ko. Si Ethan ang assistant chef ko, dahil si Tupe ang nagmamando sa labas. Nagsimula na kami kaagad para maaga kaming matapos. Sabi kasi ni MU, saglit lang daw siya roon. Binati naman namin siya kanina para hindi siya makahalata. Common na kasi 'yung hindi papansinin at hindi babatiin tuwing birthday. Kapag gano'n mas makakahalata siya na may pasabog kami mamaya. Hindi naman bongga ang pasabog namin, sapat lang para mapasaya ang tulad niyang may mabuting kalooban.

Nagsearch ako ng mga recipe na hindi pa natitikman ng mga bata. Kami rin naman ang kakain kaya okay lang na iconsider ko rin ang gusto nila. Siyempre, nakakasawa rin naman 'yung puro spaghetti, pansit at shanghai sa handaan. Nagtry ako ng mga niluluto ni Papa. And thank God, dahil nakuha ko naman. Nahigitan ko pa nga yata eh. Kailangan lang talaga ng secret recipe.

Maghubad...

Ang hirap kaya maglaba!

"Kuya Eric? Last na ba 'to?" Tanong ni Ethan sa akin. Mukhang pagod na rin siya.

"Oo," sabi ko. "Ethan 'wag munang maligo ha? Palipas ka kahit mga 30 minutes bago ka sumabak sa tubig."

"Bakit?"

"Basta," inilagay ko na ang huling sangkap para sa sweet and sour pork. "Init," pinampaypay ko ang kamay ko. Hinalo ko na ang niluluto ko. Napangiti ako ng makita ko ang buttered chicken.

Sana magustuhan ni Ganda...

"May tao," narinig kong sabi ni Tupe. "Kuya Eric nandiyan na yata si MU."

"Naku lagot," napailing ako. "Ethan ligpitin mo na 'yan." Utos ko pero nagsisimula na si Ethan ng sabihin ko 'yon. Sakto namang luto na ang niluluto ko. "Salin na natin." Ako ang nagbuhat ng kawa at si Ethan ang humawak sa sandok. "Okay," sabi ko ng matapos kami.

"Tignan ko lang Kuya Eric ha?" Umalis na Ethan para silipin ang tao sa labas. Niligpit ko ang mga pinaglutuan ko. Mabuti na lang nahugasan na ni Ethan ang iba habang nagluluto ako kanina, kaya hindi natambak. Tinikman ko ang niluto ko gamit ang sandok na hawak ko.

Ang sarap ko...

Magluto!

Narinig kong tila nagkakagulo ang mga bata sa labas. Mukhang nandiyan na nga si MU. Baka nagmessage sa akin si Ganda, hindi ko na naintindi ang cellphone ko, sa sobrang busy ko. "Tupe? Nandiyan na sila MU?" 

"Wala po," ani Tupe. "Sila Tita Sarah lang po." Sumenyas siya sa akin gamit ang tingin. 

"Ah..." Tumango-tango lang ako ng makita ko sila. Kasama pa 'yung mag-asawa at hindi man lang nagdala kahit regalo lang kay MU. Sa totoo lang, nagbago ang tingin ko sa pamilya nila, dahil doon sa nangyari noong birthday ni Sean. Isama mo pa 'yang ugali ni Sean at si Ate Shane, nakakairita sila. Hindi ko nagustuhan ang ginawa nila kay Mother Uji. Napakabait niyang tao para bastusin lang ng gano'n.

Iimbitahan sila pero ang nakareserve na upuan hindi sapat sa kanila?

Nakakag*go 'di ba?

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon