🏰DARYLLE🏰
Nakapila na kami dahil inaayos na ang mga bus na sasakyan. Kami ang nasa pinakahuling line kaya baka kami ang nasa pinakahuling bus. Hindi ko alam kung gaano karami ang bus at kung sino ang makakasama namin sa loob. Kung titignan kasi kaming lahat, baka maluwag pa ang bus. Twelve kami at twelve din ang boys so twenty four pa lang. Ilan lang naman ang mga Coaches and staff, wala pa silang bente so maluwag pa talaga.
Hindi ko alam kung bakit ang tagal nila Alex ngayon. Narinig ko kasi, may emergency raw kaya natagalan sila. Gusto ko sanang magtanong pero alam ko namang hindi ako rereplyan.
Umusod kami dahil may pipila pa sa gilid namin. Kumpleto na ang buong basketball team ang ibang mga team na lang ang hindi pa nakukumpleto. Magfafive na rin kaya nagmamadali na para makalarga na.
Nakita ko ang sandamukal na mga babae na naglalakad papunta sa court. Mukhang mga taga-Squad dahil nakita ko na ang iba sa kanila. Nakabusangot silang lahat at hindi maipinta ang mga mukha. Pinapila na sila ng choreo nila na mukhang badtrip din. Sobrang nagahol kasi sila ng husto. Hindi rin naman sila pwedeng magpractice dahil may bagyo noong nakaraan. Nagsimula ng pumila ang mga member ng Squad. Bumuo sila ng dalawang linya, isa sa babae at isa rin naman sa lalaki. Mababakas ang pagod sa mga mukha nila.
"Badtrip, paano 'to mamaya?" Tanong ng isang babae sa mga kasamahan niya. Nagsimula ng umingay dahil sa bulong-bulungan nila.
"Ewan ko nga eh, natatakot ako baka mapahiya tayo."
"Bakit kasi hindi tayo pinayagan magpractice kahapon?"
"Bawal nga raw sabi ng Dean."
"Ang arte naman kasi, tayo tuloy nahihirapan ngayon."
"'Wag niyong sisihin si Dean, normal lang 'yon dahil wala naman talagang pasok. Kung meron man dapat sisihin dito si Mina 'yon."
"Oo nga, buntis pala sumali-sali pa."
"Hindi naman daw niya kasi alam na buntis siya."
"Imposible, ang buntis hindi na dinadatnan. Napakaimposible namang hindi niya napapansin na delay na siya ng two months."
"Ang landi kasi no?"
"Kaya nga, panira sila ng bestfriend niya."
"T*ngina oo nga, badtrip 'yang Bridgette na 'yan. Ang hilig magmarunong."
"Kaya nga, hindi naman na siya dapat makisali dahil tanggal naman na siya sa Squad."
"Ang sabi pa niya kanina, i-stretch niyo kasing maigi 'yung kamay niyo. Sasabihin ko sana, ikaw nga taas mo nga kamay mo."
Nagtawanan sila dahil hindi pa nga yata pwedeng igalaw ang kamay ni Bridgette. May armsling pa kasi siya ng nakita ko kanina. Natahimik sila bigla dahil parating na ang pinag-uusapan nila.
Dumiretso lang ako ng tingin dahil ayoko magsimula ng away. Mabuti na lang wala pa ang pinsan kong hilaw dahil kung nandito 'yon, baka umaawat na ako ngayon.
Hindi pa naman 'yon patatalo...
"'Yung bestfriend ni Alex ang sama ng tingin sa atin," bulong ni Sydney. Hindi ko na lang tinignan dahil mag-iirapan lang kami niyan.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiksi UmumContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21