🏰GEORGINA🏰
Sobrang saya ko dahil nanalo kami ngayon against Yellow Tigers. Inabot kami ng limang set dahil palitan kami sa match point. Alam niyo naman sa volleyball, hindi pwedeng isa lang ang lamang, dapat dalawa. Nakakapagod pero sulit naman kasi nga panalo.
Naging isa ang victory party namin dahil sila Kendrick nakigulo na rito sa locker room namin. Panay ang sayaw nila habang nagpapatugtog ng music na pangmalalandi.
Alam niyo na...
Mga green...
'Wag na kayong magtaka kung bakit close namin ang mga players ng Volleyball Boys. Madalas kasi namin silang nakakasama sa training, dahil ang Coach nila madalas lumayas. Mababait din naman sila kaya walang rason para hindi sila pakitaan ng mabuti.
"Oh kaya niyo 'to?" Panay ang pasiklab ng beshiewap ko. "Can you handle this?" Pinaumbok niya ang p*wet niya. "And this?" Nagkunwari siyang may dibdib. "And this?" Inilagay niya ang likod ng palad sa ilalim ng baba para iemphasize ang mukha.
Tawa ako nang tawa habang pinanonood silang maglabanan na parang mga nasa pageant. Nahinto lang ako nang makita ko si Paul na nakatingin sa akin. Ayon sa aking beshiewap na si Kendrick, betchabay galiwaw nga raw ako niyern, pero 'di ko siya bet mga beh. Si Clinton kasi ang hanap ko, kahit pa paloko-loko lang ang isang 'yon.
Matagal na siyang nagchachat sa akin pero 'di ko pinapansin. Maski isang reply wala siyang nahita mula sa akin. Sa panahon kasi ngayon, equivalent na ng reply ang chance. 'Yung tipong kapag nagchat siya at nagreply ka, pinapaasa mo na siya ng lagay na 'yon.
Ang complicated 'di ba?
Ewan ko kung sino ang nagpauso ng ganiyan pero ganiyan na talaga ang ilan ngayon. Kapag nireplyan mo sila, mag-eexpect na sila na every minute magrereply ka. Nandiyan 'yung feeling close na sila at nagbibigay na ng kung anu-ano. Marami nang nangganiyan sa akin, pero hindi ko lang pinapansin, kasi nga iba ang gusto ko.
Itong si JC naman kasi, wala lang ibang ginawa kung hindi magpatawa at mangulit. Kaya noong una hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa balita noon na kumalat. Crush daw niya ako, 'yan ang sabi nila Oliver.
Hanggang sa dumating sina Alex at kumalat na naman na siya na nga raw ang crush niya. Pero keribels lang, no hard feelings dahil magwanda naman talaga si Alex.
At si JC? Hanggang bibig lang 'yon, sa tagal naming magkakilala wala pa akong narinig na chismis na nanligaw siya o maski may kacharutan sa phone. Pero aaminin ko, kung may kinaiinggitan man ako dahil sa kaniya, hindi si Alex 'yon.
Si Yiren...
Minsan nga, iniisip ko na baka si Yiren talaga ang gusto niya. Na baka pinagtatakpan niya lang 'yung totoo sa pamamagitan ng pagsasabi ng kunwaring crush niya sa iba. Hindi malabong mangyari 'yon dahil magkalapit sila ng bahay. Sa iisang village lang kami nakatira pero mas close sila, dahil magbestfriend si Yixing at JC. Madalas silang magkasama dahil kay Yixing tapos kapag umuuwi magkakasabay.
Maganda si Yiren, kaya nga sikat na sikat din siya sa batch namin. Hindi nga lang gano'n kafamous gaya ng Kuya niya, pero nahatak talaga siya ng husto ni Yixing. Wala rin namang boyfriend si Yiren kaya hindi ko maiwasang hindi magselos.
Alam kong mali pero normal lang naman 'yung ganito 'di ba? Kahit ayaw mo masasaktan at masasaktan ka naman talaga, dahil normal na 'yon sa ngayon. Sana nga 'yung may karapatan na lang ang pwedeng makaramdam ng selos, para hindi naman nakakawawa ng husto ang mga unknown lover na gaya ko.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiksi UmumContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21