Chapter 244: ANNOUNCEMENT OF WINNERS 2 (SFD1)

90 10 0
                                    

🏰DARYLLE🏰

Talagang hinabol ko ang bruha kong pinsan na nananakbo pa rin pataas. Sinasagad niya talaga ang pasensiya ko. Grabe 'yung ginawa niya, sobrang nakakahiya talaga ang bagay na 'yon. At hinding-hindi ko 'yon gagawin sa tanang buhay ko.

Nakakahiya...

Nagpapadyak ako sa inis dahil hindi ko talaga masikmura 'yung ginawa niya. Yari talaga sa akin ang isang 'yan kapag nahuli ko siya.

Ang tanong...

Mahuhuli ko ba?

Huhulihin ko siyempre, kahit maikot namin 'tong buong WOA. Sa lahat ng ginawa niya ito ang pinakanakakainis sa lahat. 'Yung pagiging bruha niya at isip bata, kaya ko pang tagalan. Pero ito? Hindi ko 'to palalampasin.

Nakita kong dumaan siya sa gilid ng mga taga-KU. Nahirapan akong sundan siya ng tingin dahil naka-gray din ang mga nando'n. Nalipat ang tingin ko sa mga taga-SADPU. Nakaputi ang mga 'yon kaya kitang-kita siya na nananakbo palayo.

"Patay ka sa akin bruha ka." Nagsimula na ulit akong manakbo. At siyempre doon ako sa mga taga-SADPU dumaan. Tamang-tama dahil nakita ko ang mga schoolmates ko dati.

Sina Jordan!

"Hi Darylle," sigaw ni Jordan. Kaibigan din namin sila pero hindi masiyadong close. Sakto lang, 'yung pampalipas oras.

Mga gano'n...

"Pigilan mo 'yon!" Tinuro ko si Alex na malapit na sa kanila.

Tumayo naman siya kaagad at hinarangan ang pinsan kong hilaw. "Ito ba?" Tanong niya. Pinigil niyang maigi si Alex.

Nagmadali akong manakbo papunta sa kanila. Hinawakan ko kaagad si Alex na nagpupumiglas. "Salamat," sabi ko kaagad. Pinilit kong ngumiti kahit kinukurot na ng bruha ang kamay kong nakahawak sa kaniya.

"Nasa KU na kayo?" Tanong ni Jordan. "Basketball pa rin?"

"Hanggang mamatay," hinila ko na si Alex. "Salamat guys!" Kinawayan ko sila habang hinihila ang pasaway na 'to. "Dito ka!" Bulyaw ko. Pinakita ko talagang galit ako kaya nanahimik ang bruha. Nginusuan ako kaagad at wala pa nga akong ginagawa umiyak na.

Paano pa kung meron?

"Isusumbong kita kay Mamaw." Sabi niya habang hinihila ko siya pababa. Pinagtitinginan tuloy kami dahil nagngangarawngaw siya. Kung meron mang dapat umiyak dito dahil sa sobrang pagkapahiya, ako 'yon!

Natahimik ang mga nando'n ng makarating kami. "Upo!" Bulyaw ko. Tumayo si Sydney at lumipat sa upuan niya kanina. Kinuha ko ang cellphone ko na iniwan ko kanina sa upuan ko. Panay pa rin ang ngawngaw niya. "Sabi ko upo!" Agad na pinangiliran ng luha ang mga mata niya. Kumikibot-kibot pa ang labi.

"Ayaw!" At siya pa ang nagmamatigas ha?

Kinuha ko ang kamay niya at pinagpapalo. Yaman din lamang na umaarte siyang bata eh ituring na nating bata. Pati sa p*wet ay pinalo ko rin. "Salbahe ka ah," pinalo ko ulit siya. "Alam mo bang masama 'yung namamakialam ng may cellphone ng may cellphone? Kung anu-ano pang mga pinagsasasabi mo. Hindi naman 'yon totoo." Lalong lumakas ang iyak niya habang nakanguso. "Ikaw pa talaga umiyak? Upo!" Tinulak ko siya paupo sa upuan niya at doon siya nag-iiyak. "Hay nako! Daig ko pa nag-anak ng lima!" Inis akong naupo sa upuan ko. Pakiramdam ko Nanay na ang tingin sa akin ng mga tao rito. Pati si Sydney natakot na yata sa akin. Mabilis akong humarap sa gawi ni Vasquez. "Hindi ako 'yon. Siya nag-chat non," paglilinaw ko. Nabunutan ako ng tinik sa lalamunan dahil naliwanagan na ang lahat. Kaya siguro sila tawa ng tawa kanina dahil akala nilang lahat ako 'yon.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon