🏰SHANE🏰
Sobrang nainis ako kahapon dahil naubusan ako ng gas. Hindi ko tuloy nasundan si Python, naiwala ko siya. Bigla na lang kasing huminto ang sasakyan ko, hindi ko napansin na kaunti na pala ang karga dahil sa kakabuntot. Sobra-sobra ang panghihinayang ko dahil hindi ko siya nasundan.
Fortunately, nakuha ko naman ang plate number niya. Kaya nga nandito ako ulit ngayon sa Camp Bridge para abangan siya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya rito. Maybe, he's working here.
I don't know...
Pero hindi na 'yon mahalaga, ang importante, natatanaw ko ang sasakyan niyang magara mula rito sa kinatatayuan ko. I bet he's mayaman dahil kotse pa lang ulam na. Sobrang layo nga lang ng pinaradahan ko dahil ang daming sasakyan dito. Kaya tinatalasan ko ng maigi ang mata ko para mabantayan ko ang kotse niya. Hindi na siya pwedeng makawala sa akin.
Not anymore...
Handsome guy...
Malapit na magfive kaya panay ang sulyap ko sa relo ko. Mabuti na lang hindi ako pinagalitan dahil hindi ko naisabay ang higad na Karmina kahapon. Mas importante sa akin na masundan si Python.
Target locked...
Hindi ko alam kung ano ang balak nila Daddy sa babaeng 'yon. Medyo nag-aalangan kasi sila Daddy na magdesisyon lalo pa't bumalik na nga si Audrey. Actually, wala naman kaming dapat problemahin dahil hindi naman naghahabol si Audrey. Wala siyang matandaan kaya parang wala lang sa kaniya ang mga nangyayari. Si Daddy lang naman ang kabado ng husto. Iniisip niya ang tungkol sa magulang ni Audrey.
Nabanggit nga kasi ni Tito Eugene na kilala niya raw ang parents ni Audrey. Nagrerequest si Daddy ng meet up to settle this once and for all, pero may pumipigil, and that's Mommy.
Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Mommy ngayon. Threatened 'yon, dahil kung ako nga na tumulong lang magligpit ng kalat niya abot langit na ang kaba, paano pa kaya siya? Eh siya mismo ang nakagawa non kay Audrey.
I know she's scared dahil nandoon ang guilt sa kaniya. Na baka mamaya, may alam ang mga magulang niya tapos ipakulong kami. Siyempre, yari ako dahil may alam ako sa nangyari but I chose to remain silent to save my Mom's dignity. Ayaw ko rin naman siyang makulong.
Alam ko rin naman na hindi hahayaan ni Lolo and Mamita na mangyari 'yon kay Mommy. They are very supportive. Ang problema nga lang, hindi namin masabi kina Mamita na nahanap na namin si Audrey. Ang concern lang din naman nila ay 'yung bata. Kaya takot kami ni Mommy kasi alam namin na wala naman na silang bata na makikita kasi nga patay na. Sinabi 'yon sa amin ng doctor na gumamot sa kaniya.
That's why we're scared to the bones...
Nataranta ako dahil nakita kong bumukas na ang gate. Kagaya ng inaasahan ko puro mga taga-KU ang estudyante na lumabas. Mga nakangiti at sadyang maiingay. May mga nagbibiruan at naghaharutan. Meron din namang tahimik lang na naglalakad at mukhang mga pagod na pagod.
Napako ang tingin ko kay Luke na naglalakad habang nakasukbit ang bag niya. Isa pa 'to, naging crush ko rin ang bagets na 'to, kaso walang ibang sinabi kapag pumupunta sa bahay kun'di, 'si Sean po?', 'nandiyan po ba si Sean?', 'Tito Raymond pwede po bang lumabas si Sean? Gagala lang po kami'.
Immature...
Puro barkada...
Tumingin lang siya sa akin. Walang emosiyon ang mukha niya, in short nakapoker face. Hindi naman sa maattitude pero hindi na talaga kami okay niyan. Mula nga nung nag-away sila ni Sean. I don't know kung bakit ako galit sa kaniya kahit na kung tutuusin, wala naman talaga siyang kasalanan.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiksi UmumContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21