Chapter 302: BREAKFAST DATE

113 9 9
                                    

🏰MARCO🏰

Nagising ako dahil may naririnig akong naglalakad. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Boa na nag-aayos sa kusina ng pagkain. Pinikit ko ang mata ko para magtulog-tulugan. Nakakatuwa naman dahil naisipan niya akong dalawin rito. Talagang pinagpapala ako dahil noong Linggo nakita ko pa 'yung isa ko pang crush. Tinulungan ko pa siyang magbitbit ng mga pinamili niya. 'Yon nga lang, medyo masungit siya.

Muli kong iminulat ang mata ko para panoorin si Boa. Nakasuot pala siya ng salamin habang binabasa ang label ng mga pagkain na binili niya. Talagang pinag-grocery niya pa ako.

Nakakakilig naman...

Pumikit ulit ako nang lilingon na siya. Kailangan kong magpanggap na natutulog dahil nag-eenjoy pa akong panoorin siya. Kahit may kasungitan 'to si Boa, napakagaan ng loob ko sa kaniya. Siguro kasi crush ko siya kaya gano'n.

Kinikilig talaga ako!

Narinig kong lumalapit na sa akin ang kaluskos. "Aba, mukhang nananaginip ang Violet na 'to ah? Pangiti-ngiti pa..."

Hindi ko napansin na napapangiti na pala ako. Lalo akong nacoconscious dahil tinitignan niya ako. Pakiramdam ko nasa akin ang focus niya.

Tinititigan niya ba ako?

Nagagwapuhan ba siya sa akin?

Para akong kinuryente nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa buhok ko. Ito na yata ang pinakahihintay ko. Mukhang nagbubunga na ang mga pinaghirapan ko. Nagkakagusto na rin yata sa akin si Boa.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko kahit na gustong-gusto ko ng ilabas ang kilig. Kapag ito hinalikan ako, ibig sabihin mahal niya rin ako.

Kasi nakakagulat din naman na pinatira niya ako rito. Pinapakain din naman at pinupuntahan pa. Mga anak na lang ang kulang para na kaming mag-asawa.

Teka...

Ako lang yata ang nag-iisip ng gano'n...

Pero masaya ako, dahil hindi niya ako nakakalimutan. Na kahit papaano ay naaalala niyang bumisita sa akin kahit na saglit lang. Masiyado lang din siguro siyang abala kaya hindi niya ako naasikaso.

Ano kaya kung ligawan ko no?

Tapos isasama ko na siya pagbalik ko sa Palasyo, para naman may kasama na akong magtraining sa Kampo. Sawang-sawa na kasi akong kasama si Ate Marga. Paulit-ulit lang ang nagagawa namin. Mas lamang ang hindi kaya, kaysa sa napeperfect namin.

Pero 'tsaka ko na 'yon iisipin, kapag nakabalik na ako sa Palasyo. Sa ngayon, iisipin ko kung paano ko siya mapapapayag na sumama na sa akin. Siya talaga ang gusto ko. Mukhang nahanap ko na ang babaeng para sa akin. 'Yon nga lang, mas matanda yata talaga siya sa akin, pero ayos lang naman iyon. Ang importante, hindi masiyadong malaki ang lamang ng edad niya.

Kung ang mukha niya talaga ang pagbabasehan, siguro mga nasa 20 pa lang siya. May uban na siya pero marami namang gano'n. Ako nga rin meron, pero ang sabi ni Papa, 'wag ko raw bunutin kasi dadami. At kung ang asta niya naman, masasabi kong matured na matured na talaga siya. Ang smooth ng galaw niya, napakaelegante niyang kumilos at gano'n din sa pamimihis. Ang ilan sa mga damit na suot niya ay nakita ko na kay Mama, pero kung paglalabanin sila. Mas boto ako sa kaniya, dahil lahat yata ng uri ng damit ay lalapat sa magandang hubog ng kaniyang katawan.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon