Chapter 278: ESPADORO

135 10 12
                                    

🏰ERIC🏰

Nagulat ako ng biglang hilahin ni Sean ang damit ni Alex. Nakayakap kasi siya sa akin, dahil gusto niya lang akong yakapin. Hindi niya mapabitiw si Alex sa pagkakayakap sa akin kahit pa hinihila na niya ang damit ni Ganda. Tahimik na nga, tapos nagsisimula na naman siya ng panibagong gulo.

"Dito ka!" Kung kanina damit lang ngayon pati braso kasama na. Namumula ang gilid ng labi ni Sean dahil kay Ganda siyempre.

Imbes na bumitaw ay lalo lang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Bitawan mo 'yung clothes ko! Expensive 'to!" Umiiyak na siya ngayon. Bahagyang namumula ang pisngi niya na sinampal ng Mommy ni Sean. "Mother Uji! Baka mahawaan niya ako ng sick! Pago home-in mo na sila!" Nagpapadyak siya sa sobrang inis. Gusto kong matawa dahil sa kacute-an niya, pero hindi ito ang tamang oras para ro'n.

Ano ba talagang nangyayari?!

Hindi ko maintindihan?!

"Sean! Tumigil ka na!" Inalis ni Tito Raymond ang pagkakapit ni Sean sa braso at damit ni Alex. Pumagitna na rin siya dahil itong si Sean, pilit hinabablot si Ganda. "Isa! Calm down! Para makapag-usap tayo ng matino." Natahimik na ulit.

"Oo nga," ani MU. Kunot na kunog na ang noo niya. "Hindi namin kayo naiintindihan. Ang ayos-ayos natin dito kanina."

"Gumulo lang ng dumating ang babaeng 'yan." Tinuro ni Mina si Alex, na ngayon ay para namang paslit na walang kalaban-laban. Kung sa bagay, mas ayos na 'yung ganito siya kaysa naman sa nambubugbog siya. "Paalisin niyo na nga 'yan dito!" Lumapit siya kay Sean.

"Dito siya nakatira," inis kong sambit. Niyakap ko rin si Ganda, dahil natatakot naman siya ngayon. Ang lakas ng loob niyang magsalita ng gano'n, eh 'yung shota niya naman ang naunang nanuntok.

"Don't touch her! Remove your f*cking arms!" Nagsisigaw na naman si Sean. Pinipilit niyang itulak ang Daddy niya.

"Sean stop!" Saway ng Ate niya.

"Tumigil ka na Sean Patrick, hindi na ako natutuwa!" Mukhang galit na galit na talaga ang Daddy niya. 'Yung Mommy niya naman inaayos ang nagulong buhok. Tinutulungan na nga ni MU dahil nagulo talaga ang buhok niya.

"If you want me to stop, get that douchebag outta my sight!" Tinuro niya ako. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganiyan. Wala naman akong ginagawa sa kaniya. Hindi ko naman siya pinakikielaman.

"Stop shouting, will you?"

"I won't!" Tinulak pa niya ang Daddy niya. Hindi niya nga lang naitulak ng sobra, nakaharang pa rin siya sa amin "Audrey, come here baby. Let's talk."

"Sean," tawag ni Mina sa kaniya. Nakakunot naman ang noo niya na tila nagsusumamo sa boyfriend niya.

"Sean, please," hinawakan ni Tito Raymond ang balikat ng anak niya. "Anak, please 'wag ka munang magkulit. Naiirita na ako."

Nalingunan ko si Ganda na nakanguso habang pinipindot ang dibdib ko. Wala talaga siyang paki sa mundo niya. Basta nagagawa niya ang gusto niya okay na. "One, two, three, four, five, six..." Binibilang niya ang abs ko. "Ibebenta ko 'to." Ngusong-nguso si Ganda.

How to unsee?

How to unheard?

"Audrey! Listen to me! Talk to me! Let's talk please!" Nangingibabaw ang bunganga ni Sean sa buong bahay ni Mother Uji.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon