Chapter 307: GRAY WOLVES VS. PURPLE CRANES 5 (SFD4)

108 11 0
                                    

🏰ALEX🏰

Lumapit kaagad sa akin si Kuya ReiRei nang makapasok kami sa loob. Hindi ko naisip na pwede akong mapahamak sa ginawa kong pagkulong sa kaniya rito. Nakalimutan ko kasi na babalik pa pala kami rito, kaya ayan, nalaman nilang nagsasabi siya ng totoo. Mabuti na lang nagawan ko ng paraan na hindi ako madiin, kaya sa huli siya pa rin ang nagmukhang masama.

Siya naman kasi talaga ang may kasalanan. Hindi ko siya ikukulong dito kung wala siyang ginawang masama sa akin. Kasalanan niya naman 'yon kaya tama lang ang ginawa ko. Wala akong pinagsisisihan at mas lalong wala akong balak magsorry.

"Dalaga," tawag sa akin ni Kuya. Tumabi siya sa akin.

Ngumuso ako kaagad bago depensahan ang sarili ko. Natatakot ako na baka pagalitan niya ako. "Kuya kasalanan niya talaga."

"I know," pagsang-ayon niya kaya gumaan ang pakiramdam ko. Naniniwala naman yata siya sa akin. Dapat lang, dahil ako ang nagtetell ng truth. "May ginawa ba siya sa 'yo?"

"Nidaganan niya lang ako, pero okay lang, dahil nitadyakan ko naman siya, tapos nikulong ko siya rito." Maaksiyon kong kuwento para bigyang buhay ang pagsasadula ko. Para rin mas kapani-paniwala ang pangyayari.

"Sino ba 'yon? Bakit ka niya sinundan dito?"

"Boarder din 'yon ni Mother Uji, doon siya sa bahay nakalive."

Nawala ang nakakunot niyang noo. "So magkakilala kayo?"

"Hindi kami close," sabi ko kaagad. Baka kasi mamisinterpret niya ang salitang 'magkakilala'. "Noong isang araw lang siya lumipat."

"So bakit ka nga niya sinundan dito? May gusto sa 'yo 'yon?"

"Ewan ko ro'n," sagot ko. Hindi ko naman talaga alam. Bahala na siya sa buhay niya. Wala akong pakialam sa kaniya dahil hindi naman siya importante.

"'Wag ka ng lalayo sa akin ha? Si Kuya na bahala ro'n. Babanatan ko 'yon."

Nagliwanag ang mga eyes ko nang marinig kong babanatan niya ang lalaking 'yon. Isang malaking luwag para sa akin kung papatayin na ni Kuya Pyths ang lalaking 'yon. Nababadtrip na talaga kasi ako sa kaniya. "Talaga?" Excited kong tanong.

"Oo, akong bahala ro'n. Totoy na totoy naman 'yon. Isang balyahan lang 'yon, basag na bungo non."

"Promise?" Iniisip ko pa lang na bubugbugin at papatayin ni Kuya ReiRei ang espasol na 'yon natutuwa na ako. Paano pa kaya kung nagawa na niya? Baka mamatay na rin ako sa sobrang happy.

"Promise," maangas siyang tumango.

"Yehey!" Niyakap ko ang Kuya ko. Ang saya-saya naman Kuya Pyths. Dapat mamatay na ang espasol na 'yon.

"'Wag kang lalayo kay Kuya ha?" Tinapik-tapik niya ang likod ko. Palihim akong napangiti, dahil sa wakas ay mawawala na ang espasol na 'yon. Wala ng kakalaban sa title kong pinamabait sa bahay ni Mother Uji.

"Please check your valuable things," sabi ni AC Jude. "Ven," tawag niya sa Kuya ko. Tumayo naman ito at lumapit kaagad sa kaniya. Mukhang seryoso ang pag-uusapan, dahil lumayo silang dalawa.

"Alex," si Darylle at Sydney naman ang pumalit. Pumalibot naman ang iba naming kateam. "Totoo ba talaga 'yon?"

"Oo nga, kung gusto niyo ipacheck niyo pa 'yung CCTV sa labas."

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon