Chapter 243: CHEERDANCE COMPETITION 4 (SFD1)

92 9 5
                                    

🏰DARYLLE🏰

Vinideohan ko 'yung sa UoSJ Black Mamba's Cheering Platoon, dahil ang magaling kong pinsan ay hindi pa nakakabalik. Nag-aalala na ako kung nasaan siya, pero mas nag-aalala ako sa magiging reaction niya kapag hindi niya 'to napanood. Sobrang galing nila, dahil bukod sa ang ganda ng routine nile eh malinis pa ang performance. Maski kami rito na nakikinood lang ay napapatayo sa tuwa sa tuwing naeexecute nila ng maayos at malinis ang stunts.

Ang daming magagaling at sa totoo lang, hindi ko na alam kung sino ang mananalo. Parang naglabo-labo na kasi sa utak ko ang mga nangyayari. Sa sobrang ding magaling parang pati KU magaling na rin kahit hindi nila natapos ang performance.

Kasalukuyan ng nagpeperform ang UoS Cheering Squad. Nagtataka na ako kung bakit hindi pa nakakabalik si Alex. Tumayo na ako para hanapin ang bruha.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Sydney.

"Si Alex hindi pa bumabalik." Aaminin ko, natatakot ako na baka may mangyari ro'n. Ako kasi ang toka sa kaniya ngayon. Kapag may nangyari ro'n malamang sagutin ko.

Bakit ko ba kasi siya hinayaang mag-isa?

"Samahan na kita." Tumayo na si Sydney at dali-dali kaming umakyat. Napahinto kami ng matanaw namin si Cassey na parang may hinihila sa likuran. "Si Cassandra ba 'yon?"

"Oo mataba eh." Naramdaman kong tinignan niya ako kaagad. "Oh hindi ako nanlalait ha?" Depensa ko. Baka kasi isumbong niya ako tapos magalit din sa akin 'yon. May bisita pa naman yata 'yon, mainit kasi ang ulo niya. "Tara na," yaya ko. Talagang napapikit ako ng makita kong nakaupo si Alex sa gilid at nag-iiiyak. "Hoy anong nangyari diyan?"

"Thank God you're here," nagpamewang kaagad si Cassey. "Mga te, hindi ko na kaya ang isang 'to. Darylle please take over." Lumayo na si Cassey na pawis na pawis na. Mukhang namayat sa kaaawat kay Alexaundra.

Lumapit ako kaagad sa luhaan kong pinsan-pinsanan. "Bakit na naman?" Nakaupo siya sa gilid at umiiyak.

"Kasi Darylle, hindi ko napanood 'yung pambato ni Papa sa bale-balentong."

Natawa ako dahil sa term na ginamit niya. Imbes na cheerdance, bale-balentong ang tawag niya. Kahit hindi niya natumbok ang tamang term nagets ko naman.

I made a right decision...

Salamat at navideohan ko!

Oh smart Darylle...

"May video ako," sabi ko kaagad para manahimik na siya. Gusto ko rin kasing panoorin ang mga nagpeperform sa baba eh.

"Talaga?"

"Oo," tumango ako at pinakita sa kaniya ang cellphone ko. Dinala ko rin siya ro'n sa video ng performance ng Squad ng UoSJ.

"Wow! Thank you Darylle! I love you!" Bago pa ako makapagreact eh hinalikan na niya ako sa pisngi. Kinuha niya ang cellphone ko at pinanood ang video. Ngiting-ngiti na naman ang luka.

Nakita ko sina Sydney at Cassey na nag-uusap. Nakasandal silang pareho sa pader at mukhang nag-uusap. Tumabi ako sa kanila kaya napagitnaan namin si Sydney. Tinuon ko ang mata ko sa UoS pero na kay kina Sydney ang pandinig ko. Gusto ko ring marinig ang side niya.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon