🏰LUKE🏰
Nawala ako sa focus dahil doon sa nangyari kanina. Natambakan na naman tuloy kami bago matapos ang 2nd quarter. Hindi ko kasi alam kung anong problema ng Imperial na 'yon. Kanina niya pa kasi pinagtitripan si Danica. Kahit ako hindi natutuwa sa ginawa niya, pero wala naman kaming magawa. Hindi naman namin pwedeng banatan 'yan dahil bawal 'yon.
Ang pinagtataka ko lang naman, bakit kung makaasta siya parang magkakilala na sila?
Tawa pa siya ng tawa kanina habang si Danica nanginginig na sa galit ng dahil sa kaniya. Hindi man lang siya nahiya, ibinato niya pa 'yung tsinelas doon sa schoolmates niya. Mabuti na lang tinulungan din sila nung babaeng tumulong kay Marco. Nakakatakot 'yung babae, pero dahil sa ginawa niyang pagtulong kanina, masasabi kong hindi naman gano'n kalala ang ugali niya. Si Marco nga rin tinulungan niya. 'Yon nga lang, itong si Marco tinakbuhan daw siya. Medyo may pagkawarfreak nga lang talaga siya.
Parang si Alex...
Nakabalik na kami sa locker room para magpahinga. Panay ang kuwentuhan namin tungkol doon sa nangyari kanina. Nakailang hinto ba naman ang laro dahil doon eh. Usap-usapan tuloy 'yon sa buong Gym.
"Kapagod," naupo si Guione sa tabi ko. Napapagitnaan nila ako ngayon ni Matthew na uminit din ang dugo dahil doon sa ginawa ng lalaki kay Alex kanina. "May saltik siguro sa utak 'yon no?" Napatingin kami ni Matthew sa kaniya. "Eh kasi, bakit niya ginawa 'yon? 'Di ba? Sinong matinong tao ang gagawa ng gano'ng klaseng bagay? It's weird."
Napabuntong hininga na lang ako. Naiinis na talaga ako sa kaniya kanina pa, at nadagdagan pa 'yon, dahil diyan sa ginawa niya kay Alex. Imbes na magsorry, tinawan-tawanan niya pa. Hindi naman ako nagmamalinis, pero kahit gaano ako kaloko minsan, hinding-hindi ko gagawin 'yon sa karamihan ng tao.
"Sarap ngang banatan eh," ani Matthew. Nagkasagutan din kasi sila kanina habang naglalaro. Ilang beses pa silang natawagan, dahil nagsalitan sila ng ganti. Ipinahinga siya ni Coach Limer bago matapos ang laro.
"'Yan ang 'wag niyong gagawin," sabi ko. Kahit hirap na hirap na akong pigilan ang galit ko, dahil 'yon nga ang tama. Natatakot na akong masangkot sa panibagong gulo, baka sakalin na talaga ako ng Papa ko.
Natahimik kami pansamantala dahil sa ilang paalala ni Coach Limer. Kahit papaano hindi ako napepressure, dahil kuntento na ako sa laro ko. Wala naman talagang problema sa akin, nagkataon lang talagang malas ang kakampi at bukod sa suwerte ang kalaban ay nakakainis din.
Pinakinggan namin ang lahat ng sinabi niya. Nanahimik na kami dahil ang sabi ni Coach tigilan na raw muna ang pag-uusap tungkol sa bagay na 'yon. Magfocus daw muna sa laro.
Paano ako magpofocus?
Sigurado ako hindi na babalik 'yon...
Bwiset kasi 'yung Imperial na 'yon eh!
Naglakad na kami pabalik sa Gym dahil hindi naman gano'n katagal ang ibinigay sa amin. Sobrang haba na kasi ang kinaing oras ng laro namin ngayon. Last na 'to kaya okay lang naman sana na mag-overtime pero kami naman ang mahihirapan dahil traffic. At saka ayoko nang magtagal dito kasi hindi ko gusto ang kalaban. Baka mamaya abangan kami ng mga 'yan sa labas, gabi pa naman.
Ramdam na ramdam ko ang sakit ng katawan ko, pero pagagalitan kami kapag nagreklamo. Normal na 'to at medyo sanay naman na ako sa ganitong pagod, kaya lang medyo tinatamad na din kasi ako. Panira kasi 'tong Taipan na 'to eh, ang ganda-ganda na ng laro ko eh, umepal pa.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
قصص عامةContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21