Chapter 277: ALEX MEETS SEAN

145 10 14
                                    

🏰ERIC🏰  

Natahimik kaming lahat nang makalabas sila. Walang nagsasalita dahil nagpapakiramdaman pa yata. Ayoko naman makialam, tungkol 'yan sa pamilya nila, kaya dapat siguro sila lang ang mag-usap-usap. Nakayuko pa rin si Mother Uji, imbes na matuwa siya ngayong birthday niya eh kalabaliktaran ang nangyari. Mukhang hindi talaga maganda ang samahan nilang magkakamag-anak. Halatang-halata sa mag-asawa pa lang, para silang hindi mag-asawa sa kilos. 'Yung matandang babae may pakialam sa lalaki, pero 'yung lalaki? Literal na wala talagang paki.

Sinilip ko ang mga bata na tapos ng magligpit. Nakatayo sila sa gilid habang nagbubulungan. Nagalit kasi sila Tupe sa Papa ni MU, dahil nga ro'n sa sinalita niya kanina. Pero sinabi ko namang 'wag na lang pansinin, 'wag na lang din damdamin, at mas lalong 'wag babanggitin kay MU ang tungkol sa nangyari. Baka kasi pagsimulan pa ng hindi magandang topic. Minsan lang sila magkasama kaya ineexpect namin na magiging masaya sila, pero hindi 'yon ang nangyari.

Hot seat talaga...

Napalingon ako kay Umbag na nakabuntot pala sa akin. Wala na 'yung shade niya kaya nataranta ako. "'Yung shade mo nasaan?" Kunwari si Umbag ang tinanong ko, para hindi naman masiyadong nakakahiya sa mga bisita ni MU.

"Here," ani Sean. Pinaabot niya 'yon doon sa Mina. Lapit-lapit, hindi pa siya ang nag-abot. Siya naman ang lalaki.

"Thank you," sabi ko sa kaniya. Bumalik siya roon sa kinauupuan niya kanina. Wala silang ibang ginawa kun'di maglandian. Hindi ko nga alam kung nabati na ba nila si MU. Wala talaga silang paki sa mundo, puro harot lang sila diyan sa gilid.

Kaya nabuntis eh...

"Eric, baka kailangan ng pakainin si Umbag." Si MU rin ang bumasag sa katahimikan.

"Ah oo nga," nawala talaga 'yon sa isip ko. Dali-dali akong pumasok sa kuwarto at chineck ang schedule ng pagkain niya. Alas singko pa ang sunod niyang pagkain, four pa lang naman kaya hindi pa muna. Lumabas ako at doon ko lang napansin na nakasunod pala sa akin si Umbag  "Hindi pa MU, mamaya pa." Kinarga ko si Umbag at isinakay sa stroller niya.

"Baka gusto niyo akong tulungan?" Napalingon agad ako sa pinto. Nakita ko si Alex na ang daming bitbit na shopping bags at plastic bags. May box pa ng cake at galon ng ice cream. Nakasabit din ang helmet niya sa braso. "Hindi niyo man lang ako pinagbuksan ng gate. Ang papangit niyo talaga." Kahit ang dami niyang bitbit, ang ganda-ganda niya pa rin. Talagang nakashades pa siya at nakaliptint pa yata. Nakadress pa siya na long sleeve na hanggang hita ang haba. Nakadagdag pa sa ganda niya ang kuwintas na gaya ng kay Umbag pero iba ang letra, at headband na nagmamalaki ang tatak. Itim na itim ang suot niya kaya lutang na lutang ang balat niyang tila umiilaw sa puti. "Bakit ang tahimik? 'Di ba birthday 'to? Bakit mukhang lamay?"

"Ate Alex!" Kinawayan siya nila Buknoy at sinalubong din.

"Ay ang bait talaga," ani Tupe. Ngiting-ngiti na naman si Ganda. Pinipigil niyang ngumiti ng malawak. Kahinaan niya talaga ang salitang 'mabait'.

Hindi ko na napansin ang ibang tao nang makita ko siya. Wala, tinamaan na yata talaga ako. Lumapit ako sa kaniya para kunin ang mga bitbit niya. "Nagmotor ka?" Inaabot ko kina Tupe ang dala niya. Tuwang-tuwa ang mga bata, dahil nauto na naman nila si Ganda. Inilagay nila sa lamesa ang cake at ice cream na dala ni Ganda.

Lumaylay ang balikat niya. "Ay hindi, naglakad lang ako Eric. Ang bilis ko nga maglakad eh. Sa sobrang bilis ko, muntik na akong mabangga. Buti na lang may helmet ako." Ipinakita niya sa akin ang helmet niya. Natawa tuloy kami nila Mother Uji, kahit kailan ang effortless niya talaga magpatawa. Tumama ang paningin niya sa mga bisita ni MU. Nakita kong tumaas ang kilay ni Ganda habang nakatingin kay Mina. "Oh? Kamusta ka na? Namimiss mo na siguro ako kaya ka nandito. Talagang nag-abala ka pang pumunta rito para bwisitin ako ." Nginisihan niya si Mina bago inirapan. Doon ko lang napansin na tila nakakita ng multo ang buong pamilya ni Tita Sarah. Hindi ko alam kung bakit sila gulat na gulat.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon