Chapter 267: WAKEY-WAKEY

93 9 1
                                    

🏰REIVEN🏰

Dumiretso ako sa bahay para ihanda ang gamit ng mga Papa ko. Dadalhan ko sila, dahil ako ang magbabantay sa kanila sa ngayon. Nakauwi na raw ang mag-utol sa bahay nila. May sugat sila pero hindi naman gano'n kalala. Kaya pa naman daw itago kay Nanay Edna. Okay naman daw kasi ang plano nila noong una, smooth daw ang takbo hanggang sa pasabugan sila. Walang tao sa loob dahil tumakas na raw pala ang iba. Alam daw ng mga Buwitre na parating sila. 'Yon ang rason kung bakit hindi gumagana ang mga bugging devices na nilagay doon. Kaya hindi ko sila matulungan dahil wala akong naririnig doon.

Ang sabi ni Manolo, hindi raw nila alam ang buong nangyari, dahil nagkahiwa-hiwalay sila. Sunod-sunod daw kasi ang pagsabog kaya hindi na nila naintindi ang iba. Namatay ang ilan at sugatan ang iba, kabilang doon ang mga Papa ko. Ang sabi rin ni Manolo, silang tatlo raw ang nakaharap ni Mr. Walter. Bukod doon ay wala na silang balita dahil hiwa-hiwalay nga raw sila. Basta ang alam ko, 'yung h*yop na Walter na 'yon ang bumaril kina Papa. 'Wag lang siyang magpapakita sa akin, tutudasin ko talaga siya. Hanggang sa mapuno ng bala ang katawan niya, gagawin ko makaganti lang.

Napapikit ako sa sobrang kaba. Tumatawag na naman kasi sa akin si Mamaw. Kanina ko pa siya hindi sinasagot, dahil alam kong hahanapin niya si Papa Mambs sa akin. Hindi ko alam ang ipapalusot ko kaya hindi ko muna sinasagot. Mas malaking problema kapag nalaman niyang nasa ospital sila Papa. Sa kanilang tatlo si Papa Vipes lang ang hindi masiyadong napuruhan. Si Papa Anaconds kasi nadali sa tagiliran. Nagising naman na raw siya kanina sabi ni Bradley. Kausap ko kasi siya kaninang umaga.

Binaba ko na lahat ng mga gamit nila Papa at pinasakay sa mga tauhan namin. Binilinan ko muna ang mga kasambahay namin, dahil hindi kami makakauwi. Dumiretso na rin ako sa labas, pinapainit na ang makina ng sasakyan ko kaya malamig na. Sinuot ko na ang jacket ko bago sumakay. Bumusina na rin ako para buksan na ng mga bantay ang gate.

Habang nasa biyahe ay tumatawag pa rin si Mamaw. Gusto ko ng sagutin pero natatakot pa rin ako. Sigurado magagalit 'to kapag nalaman niyang nasa ICU na si Papa Mambs. Naipit ako sa traffic dahil uwian pa rin hanggang ngayon. Nagsasara na ang mga mall kaya naglalabasan na ang mga empleyado. Nagring na naman ang cellphone ko, pero this time si Papa Vipes na ang tumatawag sa akin.

Sinuot ko ang earphone sa tenga ko. "Pa?"

"ReiRei, bakit hindi mo sinasagot ang Mamaw mo?"

"Eh kasi nga 'di ba?" Alam na niya ang tinutukoy ko, dahil napag-usapan na namin na hindi namin sasabihin kay Mamaw hangga't hindi siya nagigising.

"Alam na niya."

"Oh?" Napanganga ako. Kaya siguro tawag na ng tawag sa akin si Mamaw. "Paano?"

"Parang hindi mo naman kilala."

Natawa ako dahil iba ang tono niya. May halong pagyayabang. Narinig ko rin ang boses ni Baby, tawa niya 'yon eh. Kabisado ko nga kasi lahat ng tawa ng kamag-anak ko.

Lalo na ang kay DanDan...

Sakalam...

Her favorite line...

Hindi pa ako nakakaget over sa pagkamatay ni DanDan, kaya sana 'wag namang masundan kaagad. Tao lang din sila, kaya kabado pa rin talaga ako.

Nangunot ang noo ko ng marinig ko ang tawa ni Papa Mambs. "Teka, gising na si Papa?" Ayaw kong magpakasaya kaagad, pero sigurado ako si Papa 'yon.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon