🏰CASSEY🏰
Salamat sa mga nag-gagalingang Dance Team ng mga school at talaga namang nawala ng init ng ulo ko dahil kay Sydney. Nakakainis kasi parang may balak na naman siyang magpaalipin kay Ace.
Yes, magpa-alipin talaga ang tamang term!
Nakakainis naman kasi talaga 'di ba? I thought may iba na siyang nagugustuhan, 'cause last time she mentioned that she likes someone else. And now, she's back to being a sugar mommy to that douchebag.
Disgusting...
Annoying...
But still, hindi ko siya matitiis kahit pa siya ang pinakat*nga when it comes to love. Nakakairita nga lang talaga kasi mukhang babalik na naman kami sa pagiging chaperone ni Darylle kapag nagugutom si Dylan. Oo mahal na mahal ko ang mga pagkain pero 'pag kasama namin si Ace talaga namang nawawalan ako ng gana.
Kainis talaga!
Pero ngayon mas nayayamot na ako kay Sydney dahil ang shunga niya talaga sa part na 'yon. Sinabi ko talaga kay Darylle ang tungkol do'n at gaya ko, nabadtrip din yata siya. Napawalk out na lang ako kanina dahil magsasagutan lang talaga kami ni Sydney kung hindi ako umalis.
Baka masabunutan ko pa siya...
"Uy!" Untag sa akin ni Lorraine. Titig na titig kasi ako sa WVU Dance Company. Sila ang huling nagperform para sa Dance Competition na 'to. Ang galing kasi nila, mala-Camp Bell din ang galawan kaya hindi ko alam kung sino na ang manok ko.
Lahat magaling eh...
"Sino manok mo?" Tanong ko.
Naningkit ang mata niya na tila pinag-aaralan ang tanong ko. "KU Dance Troupe siyempre."
"Bandwagon," inirapan ko siya. Narinig ko ang tawa niya kaya natawa na rin ako. Pumalakpak ako ng matapos ang performance nila. Kitang-kita ang bakante sa bandang harap namin dahil doon umupo ang member ng Squad. Kanina pa sila wala rito dahil nga CDC na ang susunod. Mas naeexcite ako ro'n dahil mas makapigil hininga ang mangyayari ro'n.
"CDC na," ani Lorraine. "Wala na akong gana."
"Ako rin," sabi ni Kieffer.
Napalingon tuloy ako sa kanilang dalawa. "Ba't naman?" Masaya kaya manood ng gano'n. Pinag-aralan namin 'yon dati at may gano'n din kami. Nirequired pa nga kaming sumali at ayon napadpad ako sa lifters.
Kainis, ganda-ganda ko eh...
Ginawa lang akong tagabuhat!
"Palpak daw ang kasi ang Pep Squad ngayon." Si Oliver ang sumagot. Medyo naiilang na tuloy ako sa kaniya dahil pakiramdam ko siya 'yung nagsabi ng 'mas cute ka' kanina. Nahiya naman akong ikuwento kina Kendrick 'yon dahil baka sabihin nila assumera ako.
Kahit 'yon naman ang totoo...
"Bakit?" Nakaramdam ako ng kaunting panghihinayang.
"Dahil doon sa Karmina ba 'yon? 'Yung buntis daw."
Napaletter O ang bibig ko habang tumatango. Naalala ko na naman ang mukha ng babaeng 'yon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niya pag-utos-utos sa akin na para niya akong katulong. First time 'yon mga te, dahil sa bahay prinsesa ako.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiction généraleContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21