🏰DARYLLE🏰
"Aray!" Napapikit ako ng bigla na lang akong bitawan ni Alex. Narinig ko na namang sinabi niya ang salitang naging dahilan ng panghihina niya. Ininda ko kaagad ang sakit na namumuo sa balakang ko. Sasabunutan ko na talaga 'to.
Pigilan niyo ako...
"Oh!" Gulat si Sydney at nakailang kurap pa bago nakasaklolo.
"B**bie..." Ngali-ngali kong sipain si Alex nang sabihin niya na naman ang salitang 'yan. Nakatingin na naman sa kung saang lupalop ng mundo at tila nawala na naman sa wisyo. "Ang B**bie ko. Ang B**bie ko."
Napapikit na lang ako at pinilit tumayo. Inalalayan naman ako ni Sydney na tumawa muna bago sumaklolo. Ganiyan naman ang tunay na kaibigan, tatawanan ka muna bago ka tulungan. "Kainis..."
Lumakas ang tawa niya at napaupo na sa sahig dahil do'n. "Ilan nahuli mo?"
"Gusto mo kurot?" Sinungitan ko kunwari para hindi na niya ko kulitin. Nakakainis naman, ang sakit ng balakang ko. "Ang sakit." Pinagpag ko ang p*wetan ko. Mas masakit talaga kasi ang daming nakakita. Rinig na rinig ko pa ang tawa nilang tila nag-iwan ng maraming latak sa kaibuturan ng tenga ko.
"Bakit?" Tawa ng tawa si Yiren nang lumapit sa akin. "Anong nangyari do'n?"
Napalingon kami kay Alex na parang nananaginip na naman ng gising. Nakangiti ang luka-luka na parang naaning na talaga ng tuluyan. "B**bie..."
Sus...
"Anong nangyari?" Tanong ni Coach Reiven. "Okay ka lang?" Sinuri niya ang katawan kong akala ko mahihiwalay na sa ulo ko. "Dalaga anong ginawa mo?"
"Kuya ayon ang b**bie ko oh." May tinuro siya sa kung saan. Lumapit sa amin at hinila ang Kuya niya. "Ayon oh," naiwang nakaumbok ang nguso niya. "Ayon ang mapapangasawa ko. Ang makakasama ko sa hirap at ginhawa."
Sus...
"Siya ang magbibigay sa akin ng energy araw-araw." Ngiting-ngiti ang luka-luka habang nagkukuwento na akala mo nasa declamation.
Sus sus...
"At hindi lang 'yon," pinakita niya sa amin ang hintuturo. Napangiwi ako dahil pinagtatawanan na naman siya ng mga nakakarinig sa kaniya. Kung pwede lang magpanggap na hindi siya kilala sa tuwing nagkakaganiyan siya matagal ko ng ginawa. "Ang b**bie niya? Ang pi~nakamalaking b**bie sa buong mundo! Universe!" Maangas siyang tumango habang siyempre, nakanguso.
Sus sus sus...
Nagpamewang si Kuya Reiven at pinilit pigilin ang tawang hindi ko alam kung magagawa niya rin bang pigilan. Napahilot sa sentido, hindi kinaya ang sapak ni Alex sa ulo. "Eh paano ang b**bie ni Mamaw? Akala ko ba 'yon ang best?"
Kumunot ang noo ng pinsan ko at hindi na naman malaman kung saan ibabaling ang paningin. "Siya pa rin ang best sa heart ko, pero kasi Kuya ReiRei iba 'yung b**bie niya ih." Tinuro niya na naman 'yung audience. Nilingon ko na kasi hindi rin naman ako nakatiis. Nakita ko si Mariah, kaya hindi na ako nagulat.
Hay nako 'yan...
"Babae 'yon eh."
"Eh gusto ko girl eh!" Nagpapadyak siya at sumalampak sa sahig habang panay ang sipa. Hindi na rin ako nagulat na umiyak siya. Kabisadong-kabisado ko na ang mga galawan niya. Gasgas na 'yan.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
قصص عامةContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21