🏰LUKE🏰
Nagsimula na ang laro at as usual tambak na naman kami. Ginagawa ko naman ang lahat ng kaya ko pero maski ako hindi kuntento sa ginagawa ko. Parang may kulang na hindi ko maipaliwanag kung ano. Apaw-apaw ang kaba ko dahil sa takot na baka malaglag na nga kami ngayon. Hindi malabo, lalo na kung ganito ng ganito ang magiging laro namin. Nahihirapan kami gaya noong una, at mukhang mas mahihirapan pa.
Gusto ko talagang manalo, pero hindi naman kasi araw-araw pasko. Siguro nga hindi na namin panahon ngayon, baka nga last na 'to. Ayos lang naman, give chance to others. Okay lang sa akin matalo basta hindi sila Sean ang magchampion. Masama mang hilingin pero sana matalo rin sila.
Damay-damay na 'to...
'Yon nga lang, medyo malabo-labo 'yon dahil bukod sa mahina-hinang team ang makakalaban nila, twice to beat pa sila. Sila kasi ang nanguna sa kabilang Bracket.
Hay buhay...
"Luke! Luke!" Nahihirapan si Yixing sa loob kaya hindi siya makagawa ng matino. Naka-offensive foul pa siya kanina kaya nadagdagan ng dalawa ang labintatlong kalamangan nila mula sa amin.
Kinuha ko ang bola mula sa kaniya at inilabas muna, para pakalamahin ang eksena. Masiyado nang nagkakainitan sa loob kaya kung ipipilit baka sumabit lang. "Matt," tawag ko sa brader ko. Pinasa ko sa kaniya ang bola. Agad niya namang hinanap si Jason na nalibre rin naman kaagad.
"Vasquez on the line!" Sigaw ng commentator nang tumira si Jason mula sa arko. "Puts it up!"
"Go Jason!"
"Go AlfaMart!"
"'Ge baba," panay ang senyas ni Yixing sa amin. Balik sa labindalawa ang abante nila sa amin. Malaking bagay na ang tatlong puntos na nabawas. Hindi na 'yon masama.
"Matt ayon," binulungan ko si Matthew dahil natataranta na siya. Nawala sa paningin niya ang kapwa niya Forward.
"'Lamat," sinenyasan niya na lang ako gamit ang kamay.
Muli kong hinagilap ang binabantayan ko. Si Parks ang nakakatapat ko mula pa kanina. Bukod sa ang galing niya, wala naman akong ibang problema sa kaniya dahil mabait naman siya. Hindi siya 'yung katulad ng ibang player na nakakairita bantayan. May kagaslawan nga lang din siya kaya kahit wala pa akong naiiscore pagod na pagod na ako kaagad. Puro pa lang ako assist, at isang rebound.
Pwede na 'yon...
Point Guard naman ako eh!
Itinaas ko ang kamay ko para harangan ang binabantayan ko. Nasa kaniya na kasi ang bola ngayon. Madalas sa kaniya ang bola dahil may ang turok ng tira niya. Ringless palagi kaya ang hirap bantayan. Napakalikot pa niya.
"Hoy!"
"Go Vipers!"
Pumasok ang tira niya pero two points lang. Bumalik sa katorse ang lamang nila sa amin. Bumaba kami kaagad sa court namin. Si Matthew ang nagdadala ng bola. Nahihirapan kami sa loob, dahil ang lalaki nila. Ang outside shooting naman namin hindi pa gumagana. 'Yung kay Vasquez pa lang ang unang tres namin sa ngayon. Sana masundan para makahabol naman kami kahit papaano.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21