🏰GLYDEL🏰
Pagkagaling ko sa airport ay dumiretso na ako sa condo na pinagtataguan ko ro'n sa Bughaw. Titignan ko lang naman kung naaagnas na ba ang katawan niya. Pinag-iisipan ko na rin kung saan ko siya ililibing mamaya. Pwede ko rin naman siyang ilibing ng buhay kapag sinipag-sipag ako maya-maya. Pinindot ko na ang Pin at ang fingerprint ko para makapasok sa loob.
Pinagmasdan ko ang paligid, wala namang nabago. Gano'n pa rin ang hitsura kagaya kahapon. Mukha hindi naman makalat ang Bughaw taliwas sa inaakala ko.
Hindi nga ba makalat?
O hindi PA makalat?
"Violet?" Tawag ko, pero walang lumabas. Naalarma tuloy ako. Hindi 'yon pwedeng mawala dahil gaganti pa ako. Dumiretso ako sa kuwarto dahil baka tulog pa ang pangit.
Oo pangit siya!
Sobrang pangit niya!
Walang tao sa kuwarto at mukhang hindi man lang nagusot ang bedsheet ng kama. Wala ring mga gamit kaya lumabas na ako.
Nag-init ang ulo ko ng makita ko ang batang Violet sa sala. Ang isasahog ko sa ube halaya sa sala nga natulog! Niloloko ko lang naman siya kagabi ng sinabi kong lalaki ang babayaran niya kapag sa kuwarto siya natulog, naniwala naman.
Ang bobo talaga!
Manang-mana sa pinagmanahan niya...
Ano bang klaseng utak meron ang lahi nila?
Mga bobo...
"Hoy Violet!" Sinampal-sampal ko para makaganti ako. Napaawang ang labi ko dahil hindi siya nagising. "Violet!" Sinabunutan ko para makaganti ulit. "Matigas ka ah?" Hinila ko siya, dahilan para mahulog ang Violet sa lapag. "Hoy!" Nanlaki ang mata ko dahil parang mas lalo lang siyang naging komportable sa pagtulog. Yumuko ako para tignan kung buhay pa ba 'to. Hindi pa siya pwedeng mamatay dahil hindi ko pa alam kung paano magluto ng ube halaya!
"Hi Boa, good morning." Ngumiti ang pangit. "Kanina ka pa?"
"Oo," pagsisinungaling ko. "One hour na kitang ginigising. Akala ko nga patay ka na eh. Itatapon na sana kita."
Bumangon na ang pangit pero yumuko dahil inaantok pa yata. "Bakit ka nandito?"
"Bawal?"
"Pwede," nakangiting sagot niya. Tumayo na siya at pumasok sa banyo. Sinilip kong maigi ang mga gamit dahil baka may ninakaw ang pangit na 'to rito.
Baka mag-abono ako kay Morgan...
Pumasok ako sa isang kuwarto, bitbit ang isususot ko sa araw na 'to. Malapit lang 'to sa Muñequita kaya dito na ako nagbihis. 'Yon lang naman ang ipinunta ko rito. Kung uuwi pa ako sa bahay namin ng Bibi ko baka malate na ako.
Bawas sahod...
Sayang pera rin 'yon...
Napapikit ako sa inis ng maalala kong kinuha ng magaling kong Nguso ang dalawang libo ko. Sa akin 'yon eh, pinaghirapan ko 'yon. Nakakapagod kayang kuhain 'yon sa wallet ng violet na pangit na 'yon, tapos kukunin lang niya.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21