Chapter 331: GRAY WOLVES VS. ORANGE FOXES 1 (SFD5)

112 13 1
                                    

🏰DARYLLE🏰

Patakbo akong pumasok sa loob ng quarters namin, dahil malapit na akong mahuli. Nakinig pa kasi ako ro'n sa kausap ni Mama kanina, kaya ayan nangarag ako ng sobra. Mabuti na lang patok ang nasakyan kong jeep. Balak ko sanang mag-bus pero 'yung jeep ang nauna. Hindi naman ako nagsisi, dahil nakarating naman ako bago magbell.

"Ate Darylle good luck," sabi ng mga nasa labas. Medyo nahaharang pa ako dahil ang dami na naman nag-aabang sa amin sa labas.

"Thank you," sabi ko sabay takbo paakyat sa floor namin. Nangatog ang tuhod ko sa sobrang pagod nang makarating ako ro'n. Grabe rin ang hingal ko dahil sa layo ng tinakbo ko.

"Uy Cap dali," sabi ni Loona. Nasa labas sila at mukhang inaabangan ako.

"Si Alex?"

"Nando'n, nagyayabang," nakatawang sagot niya. Pumasok kaagad ako kaya nakita ko si Alex na ready'ng-ready na nga. Natawa ako dahil 'yung ipit niya pangdalawahan, 'yung pangbata.

"Talaga?" Tanong ni Kuya Reiven. Sinisintasan niya si Alex na panay na naman ang kain ng Hi-Ho.

"Oo," nakangusong sagot niya.

"Sige ha, kapag napanood mo si Mamaw ngayon, elibs na talaga ako sa 'yo."

"May prize ako?"

"Meron," tumayo na si Coach dahil tapos na siyang magsintas. "Buti hindi ka nahuli?"

"Hindi talaga, nakacar kasi ako ngayon tapos nagsuot na rin ako ng helmet para walang problema." Pati ako natawa dahil sa sinabi niya. Medyo may kalokohan talaga siya sa buhay. Nagkikilig-kilig na naman siya dahil nasa kaniya na naman ang atensiyon naming lahat. "Hi Babe!" Tumayo siya kaagad at kumapit sa braso ko. "Nasaan na 'yung hi Babe ko, Babe?"

"Anong pinagsasasabi mo diyan?" Nilapag ko na ang gamit ko. Nagmadali akong kunin ang isusuot namin, nakateam color kami ngayon.

"Babe mag-hi Babe ka na sa akin." Hindi niya binibitawan ang braso ko.

"Alex," saway ko pera lalo lang siyang yumakap. Hindi talaga ako mananalo sa kaniya kahit anong mangyari. "Hi Babe," mabilis kong sabi.

"Hindi ko narinig." Napairap ako bago ko inulit sa mas malakas pero mas mabilis. "Ano? Anong sabi mo?"

"Parang timang," naglakad na ako papasok sa CR, pero nakakapit pa rin sa akin. "Alex naman magbibihis ako."

"Sabihin mo muna hi Babe."

"Parang t*nga talaga."

"Sige na kasi," nagpapadyak siya sa harap ko. Napangiwi ako ng makita kong tila iiyak na siya. "'Pag hindi ka nag-hi Babe sa akin iiyak ako? 'Yung malakas, 'yung sobrang lakas, 'yung pinaka-."

"Hi Babe," putol ko sa sasabihin niya. Ngiting-ngiti na naman ang bruha.

"Sige na Babe, magbihis ka na." Binuksan niya pa ang pinto at isinenyas ang pinto gamit ang kamay. Pumasok ako kaagad dahil ako na lang ang hindi nagbibihis. "Sama ako!" Nagulat ako ng pumasok din siya.

Pasaway...

"Alex, labas doon." Nakakatakot ang babaeng 'to, dahil may pagkamanyak siya. "Doon ka," pinandilatan ko siya ng mata pero umiling lang siya at nagsasayaw na naman ng Alex Dance Craze. "Doon ka na. Hindi na kita ha-hi Babe-an," pananakot ko. Susubukan ko lang ulit mang-uto.

"Okay lang, tapos ka naman na mag-hi Babe."

Napabusangot talaga ako bago pumasok sa cubicle. Kapag ayan inasar-asar ko na naman, iiyak na naman sa akin 'yan. "Diyan ka lang ah?" Subukan lang niyang manilip at talagang paiiyakin ko na naman siya.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon