Chapter 361: TINAMAAN 2 (SFD6)

97 15 1
                                    

🏰MINA🏰

Hindi ko alam kung paano lalabanan ang lungkot na nararamdaman these past few days. Feeling ko nase-stress na ako dahil sa hindi kaaya-ayang nangyayari sa buhay ko. Hindi ko na alam ang gagawin sa totoo lang. Hindi ko na alam.

Maging ang pamilya ko, wala ng pakialam sa akin. Pero hindi ko sila masisisi, buong akala kasi nila okay ako sa bahay nila Sean. Hindi na rin naman ako makapagsabi ng problema ko, dahil alam kong problemado na sila. Even Kuya Kevin is mad. Nadisappoint kasi siya sa akin nang malaman niyang buntis ako. Alam kong nagsusumikap din siya para mapatapos ako, pero anong ginawa ko?

Nagpabuntis...

Nagsisimula na akong magsisi, lalo na ngayon habang pinapanood ko ang kapwa ko teenager na ineenjoy ang teenage days nila. Nakaupo ako sa bench sa may quadrangle. Pinanonood ko ang mga nagpipicnic, nagkukuwentuhan, naglalaro, at nagpipicture.

Hindi ako makapaniwala na pati ang simpleng bagay na ginagawa nila ay kinaiinggitan ko na rin. Kahit kailan, hindi ko naimagine na mapupunta ako sa sitwasiyon ko ngayon. Nakat*nga habang pinapanood na nagsasaya ang iba, at ako? Ito miserable at hindi makakilos ng maayos, dahil umuumbok na ang tiyan kong pilit kong itinatago sa iba. Sobrang nahihiya ako, kapag naririnig kong pinagbubulungan ako ng iba. Hindi ko na kaya ang mga naririnig ko.

Buntis ba siya?

Baka naman bundat lang.

Grabe, ang bata pa niya.

Ang landi kasi.

Ilan lang 'yan sa mga salitang bumubusog sa akin sa araw-araw. Ni hindi ako makakain dahil pakiramdam ko panlalait na nila ang inuulam ko. Wala akong gana lately, dahil toxic na sa school toxic pa sa bahay.

Kahit nando'n si Tito Raymond talo pa rin ako, kasi dalawa sila Ate Shane plus 'yung mga katulong pa nila. Sising-sisi na talaga ako, sa lahat-lahat ng katarantaduhan at kalandiang ginawa ko sa buhay ko.

Kung hindi ko pinairal ang kaharutan at kalandian hindi mangyayari sa akin 'to. Kung hindi ko pinilit ang sarili ko kay Sean, hindi ako mahihirapan ngayon. Pero kapag naalala ko ang sweet and happy moments namin, parang nawawala lahat ang sama ng loob ko sa mundo.

Hanggang ngayon, umaasa pa rin akong one day marerealize niyang ako ang babae para sa kaniya. Kaya kahit naiinis ako dahil nakaumbok na 'tong tiyan ko at nagmumukha na akong losyang, tinitiis ko na lang. Para sa magiging anak ko, pamilya ko.

Mula nang pagbantaan ako ni Sean, hindi na ako lumapit sa kaniya o nagtext. Umaasa kasi akong mamimiss niya ako. Gano'n kasi 'yon, kapag hindi mo makikita doon mo lang hahanapin.

Sana...

Sana talaga...

Napasigaw ako nang tamaan ako ng bola. May naglalaro pala ng volleyball sa gilid hindi ko man lang napansin. Napahawak kaagad ako sa tiyan ko, kahit sa tagiliran lang naman ako tinamaan.

"Sorry," sabi ng babae. Siya rin ang nanakbo para kunin ang bola.

"Bakit kasi diyan kayo naglalaro?" Inis kong tanong. Kakalbuhin ko siya 'pag may nangyaring masama sa anak ko. Siya na nga lang ang alas ko laban sa Tatay niya.

"Sorry hindi naman namin sinasadya."

"Kasi naman," pinagpag ko ang damit ko na naalikabukan pala. "Doon ka na nga!"

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon