Chapter 207: MULING PAGKIKITA

103 12 0
                                    

🏰MARCO🏰

Umalis ako sa Palasyo dahil ang balak ko sana ay makikitulog muna ako kina Luke. Ang kaso, hindi sila sumasagot sa tawag ko ng time na 'yon kaya naisip ko na lang puntahan. Nag-abang ako sa sakayan, pero nagkaproblema pa rin ako.

Hindi ko alam kung ano ang sasakyan ko!

Kaya naman karumal-dumal ang inabot ko!

FLASHBACK

Naisip kong magtanong-tanong para hindi ako mahirapan. Wala kasi akong alam sa mga daan-daan na 'yan. Sumasagot naman sila pero sadyang hindi ko talaga maintindihan dahil hindi pa naman ako nakakapag-commute.

Diyahe...

At dahil ayaw kong mapahiya, tinatangu-tanguan ko na lang kahit hindi ko naman talaga naiintindihan. Tinanong ko ang konduktor ng jeep kung dadaan ba sa Roncesvale.

Ang tahanan ng aking mga brader!

Ang sabi niya oo kaya sumakay na ako sa jeep. Akala ko aalis na, hindi pa pala. Naghantay pa ng ibang pasahero hanggang sa magsiksikan na kami sa loob. 'Yung tipong pati paghinga mo kailangan mong tipirin. Tagaktak ang pawis ko dahil naka-jacket, sumbrero at facemask pa ako.

Para 'di nila ako makilala...

Baka mamaya kasi may makakita sa akin tapos sabihin, 'Hala siya si Prinsipe Marco? Wow! Mas gwapo pala siya sa personal!'

Tapos hahabulin na nila ako mula rito hanggang Jolo!

Patay tayo...

Ay hindi, ako lang pala dahil ako lang ang nag-iisang Marco Paulo Hernandez ng buhay niyo.

Nagsimula ng umandar ang pampasaherong jeep. Umangat ang balikat ko sa sobrang gulat ng biglang tumunog ang music. Sobrang lakas ng bass ng speaker na nasa inuupuan ko mismo. Puro babae ang nasa paligid ko, mukhang mga kolehiyala. 'Yung katabi ko matindi, ginawang sandayan ng ulo 'yung balikat ko.

Ginawa akong tulugan...

Mabuti na lang bumaba 'yung ale na katabi ko, kaya medyo lumuwag. Umusod ako dahil ginagawa niya akong unan, ang malupit umusod din siya!

Ayoko na...

Ilang sandali pa ang tinagal at tulog na naman ang Ate niyo. At home na at home siya sa balikat ko. Naiinis pa ako dahil 'yung mga kaibigan niya pinipicture-an pa kami. Pinagmasdan ko kung paano nagbayad ng pamasahe ang mga pasahero.

"Ate baka gusto mong umusod," sabi ko sa katabi ko.

"Ay sorry," aniya at umusod naman.

"Yieeeee!" Pang-aasar ng mga kaibigan niya. Mabait naman talaga ako pero wala ako sa mood makipagkulitan dahil kinakabahan na ako rito sa pinag-gagagawa ko.

Kinuha ko ang wallet ko sa bag at kumuha ng isang libo, dahil wala akong barya. "Bayad po," nahihiyang sambit ko. First time ko talaga 'to kaya kinakabahan ako.

"Hala ka ang laki niyan," sabi ng isang lalaking pasahero. "Boss may pansukli ba kayo?" Tanong niya sa kundoktor.

"Hala ka kulay blue, wala kaming barya chong!" Sigaw niya dahil ang lakas ng music niya. Hininaan niya muna 'yon bago kinuha ang bayad ko dahil nakarating na 'yon sa dulo. "Saan ba baba mo?"

"Sa Roncesvale po," sagot ko. Pinagtitinginan na tuloy ako ng mga pasahero.

"RK yata kaya hindi marunong," sabi ulit ng lalaki. Mukha naman siyang mabait at friendly.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon