🏰ALEX🏰
Tikom na tikom ang bibig ko, dahil baka malaman ni Sydney na ako ang nagsabi non doon kay Yixing. Baka mamaya magtampo naman sa akin 'tong si Professor X at hindi na ako pansinin. Sayang, hindi ko nakita ang nangyari. Mabangasan man lang sana ang kapangitan ng Ace na 'yon, kahit isang beses lang.
Kung ako lang talaga nandoon, nako, may kalalagyan ang pangit na 'yon. Namumula pa ang pisngi ni Sydney kaya naiinis ako. Ang babaeng 'to kasi hindi man lang marunong gumanti. Hindi pwede 'yung tabla-tabla na lang palagi. Dapat kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng mas malaking bato at dapat siguraduhin mong sapul sa ulo, para panalo.
Nagkukuwentuhan sila tungkol sa nangyari kahapon, habang ako dinadaan ko lang sa pagkain ang inis ko sa tuwing mababanggit ang pagkapangit-pangit na apelyido ng lalaking mukhang espasol, pero 'yung binalot. Nakahiga ako at ginawang unan ang pagkalambot-lambot na hita ni Fluffy. Kanina ko pa inaamoy-amoy ang tiyan niyang ang soft-soft din. Kaming dalawa ang makakaubos nitong pagkain na nibili niya kanina.
Ang sarap-sarap...
Pinakamasarap sa buong mundo!
"Eh ang kapal naman pala ng fez non te!" Sabi ni Kendrick matapos niyang marinig ang buong detalye. Buti pa sila natandaan nila, ako hindi kasi hindi naman importante. Nagkatinginan kami ng Fluffy ko kaya nginitian ko siya. Pinindot niya ang ilong ko kaya kinilig ako.
"Kapal talaga," sabi ni Fluffy. "Binato niya pa 'yung tsinelas ni Alex. Tigas ng mukha!"
"Eh ano ng plano? Baka mamaya balikan tayo non?"
"Subukan niya." Inabot ko ang pagkain at kumuha ng isang dakot. "Nakikita niyo 'to?" Pinakita ko sa kanila kung gaano karami ang kinuha ko. "Okay, survey lang." sabi ko ng tumango sila. "Tinatanong ko lang naman." Pinagbabato ako nila Darylle ng balat habang nagtatawanan. Sinira ko na naman kasi ang momentum. Kanina ko pa ginagawa 'to, sisingit sa usapan nila tapos wala lang din sense ang sasabihin ko.
"Pasaway ka talaga," pinisil ni Fluffy ang pisngi ko. Humarap ako sa tiyan niya at yumakap. Sinuklay-suklay niya ang buhok ko gamit ang kamay niya. Kinilig ako kaya nagtitili ako habang hinihigpitan ang yakap kay Fluffy.
"Hala ang harot," sabi ni Darylle. Kahit kailan panira talaga ang isang 'to.
"Bakit Babe nagseselos ka Babe?" Kinalabit-kalabit ko siya gamit ang paa ko. "Hoy Babe, 'wag ka na magselos Babe."
"Tumigil ka nga Alex."
"No no yow," kinanta ko sa nakanguso at nakakasurang paraan. 'Yung tipong luluwa ang mata niya sa sobrang sura sa akin. Gustong-gusto kong iniinis si Babe. Ang cute ng mata niya eh, parang mahuhulog.
"Ang harot neto."
"Inggit ka na naman Babe. Eh di gumaya ka rin Babe."
"Alex nakakasura ka. Puro ka Babe diyan." Inirapan niya ako. Senyales na naiinis na siya sa akin.
Bumangon ako, bilang buwelo sa nalalapit kong pambubwiset. Doon naman kasi ako magaling. "Babe, Babe, Babe, Babe," salitan ang pagtabingi ng ulo ko para lalo siyang mainis. Tinakpan niya ang tenga niya habang pinagtatawanan namin siya. Pinandilatan niya ako ng mata at inambahan ng suntok. Lumapit ako sa kaniya at isinahod ang mga kamay ko sa mismong mukha niya. "Hala 'yung mata mo luluwa." Lalo siyang nagalit nang maghampasan na sila Kendrick sa katatawa.
"Ikaw, hindi kita inaano diyan." Sumugod na ang anak ni Jollibee kaya gumapang ako papunta kay Fluffy. Pinagpapalo niya ang butt ko na matambok.
"Arouch," pag-iinarte ko. Hinimas ko ang p*wet kong ginawa niyang tambol. Sinamaan ko siya ng tingin. "May malaking mata," nagsimula na akong umawit ng pambansang awit ng mga Buglat. "Bibig na laging nakabuka. Mata niya'y luluwa na. Umiirap-irap pa. Darylle! Darylle! Darylle Bee! Darylle! Darylle! Darylle! Darylle! Darylle Bee! Darylle! Darylle!"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21