🏰GLYDEL🏰
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Tinamad na kasi akong magtrabaho kaya natulog na lang ako. Mamatay-matay na ako kakaisip kung alin sa dalawa ang pupuntahan ko. Kung 'yung Fashion Summit ba o 'yung Fashion Week? Sa huli, wala rin akong napili. Doon sa Bibi ko, doon ako pupunta dahil miss na miss na niya ako.
Siya lang 'yung nakakamiss sa akin. Siya lang talaga, hindi ako. Sa sobrang pagkamiss niya nga sa akin, tumawag ako kanina para magpatanong kung kumain na ba ako. Namimiss niya nga kasi ako kaya gano'n. Wala ng inatupag ang matandang 'yon kun'di mag-ML!
Nakakalimutan na ang plants ko...
Kawawang garden...
Lantutay!
"Eugene?" Tawag ko sa aport kong balingo. Hindi ko kasi makita kaya malamang hahanapin ko. "Eugene?"
"Nandito ako." Doon sa CR nanggaling ang boses. "Saglit lang Queen G."
"Sige lang, ilabas mo lang 'yan." Natawa ako kasi naimagine ko ang hitsura niya habang dumedelihensiya sa loob. "Kayang-kaya mo 'yan." Lahat naman kasi tayo tinatawag ng kalikasan. Naghikab ako bago inalis ang sapatos. Pinalitan ko 'yon ng tsinelas. Niligpit ko na rin ang iba kong gamit, dahil wala na naman akong bag. Sa susunod talaga, bayong na lang ang dadalhin ko o kaya naman eco bag. Tignan lang natin kung makaporma pa 'yang Gloria Kunat na 'yan.
"Hay nakaraos din," ginhawang-ginhawa siya nang makalabas. Pinagpapawisan pa ng malapot.
"Dalian mo dito ka." Tinuro ko ang upuan sa harap ko. May mahalaga lang akong sasabihin sa kaniya.
"May grasiya?"
"Problema muna," tinawanan ko na kaagad. Sana lang pumayag siya.
"Ano 'yon?" Tanong niya nang makaupo siya sa upuan sa harap ko.
"Pwede bang sa bahay ko tayo matulog sa Friday?" Napangiwi kaagad ako dahil mukhang ayaw. "Please," nginusuan ko na kaagad para 'di na makatanggi. "Triple ang sahod, sa bahay ka matutulog, may aircon."
"Grabe," natawa siya. "Oo na payag naman ako, kasi Sabado naman kinabukasan. Walang pasok ang mga bata."
"Hay salamat!" Hindi talaga ako nagkamali nang piniling katuwang sa sakit ng ulo at pagpapapera. "Padadagdagan ko na lang 'yung bantay sa labas para rin kay Nguso."
"Oo walang problema, nandoon naman si Eric. Sobrang maahasahan ang batang 'yon."
Maski ako napangiti. Tamang-tama talaga siya para kay Nguso, dahil responsable siyang bata. Kung ako lang ang papipiliin, siya ang gusto ko para sa anak ko. Sisiguraduhin kong ako ang masusunod dahil ako ang Mamaw dito. Nadala na kasi ako noon, pinilian ako ng Tatay ko pero 'yung gusto ko ang sinunod ko. Ang ending? Ito ako ngayon, nagmamaganda pa rin. "Napalaki kasi ng maayos ng Ama."
"Pero ano bang meron? Hindi ako nagrereklamo ah? Bakit parang biglaan?" Sunod-sunod niyang tanong. Nanggigil na naman ako dahil naalala ko ang mukha ng Michael na 'yon. Kasalanan niya talaga 'to.
"Ang bwiset na baklang Briton, next week na pala ang mahahalagang event hindi man lang nagpapaalala. Kababalik ko lang sa trabaho kaya hindi ko alam."
"Anong event?"
"Fashion Week at Summit," sagot ko.
"Oh?!" Napatayo siya at halos magtatalon sa tuwa. "Kasama tayo?"
Napalabi ako bigla. Wala naman kasi sa plano ko ang magpakita in public. Unang-una sa rason, baka makita ako nila Uno, dahil laging usap-usapan ang Fashion Week lagi. Kaya parang mas gusto ko na lang sa Summit para medyo tago. Ikalawa, sobrang dami ko pang gagawin. Ikatlo, tinatamad ako. "Hindi," sagot ko. Matic na bumusangot ang bakla. "Gusto mo bang sumama? Pwede naman para may experience ka. Sila Ziggy nga lang ang kasama mo."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Narrativa generaleContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21