Chapter 333: GRAY WOLVES VS. ORANGE FOXES 3 (SFD5)

100 15 30
                                    

🏰KENDRICK🏰

Panay ang talak namin ng mga beh habang halftime pa. Sabi na nga ba winner na naman kami nito. Tambak na tambak mga te, walang kalaban-laban. Hindi sila makapalag sa mga beshiewap kong malalakas.

Katabi namin ni Georgina itong mga Papwa ko. Kaya lang nahiwalay ako ng kaunti, dahil itong si Georgina ang pinatabi ko. Si Clinton kasi ang nasa dulo kaya hinayaan ko na silang magtabi. Panay ang kulitan nilang dalawa diyan kanina, dahil itong si JC mga te, nanunundot!

Ng tagiliran...

Baka kung anong sundot na ang naiisip niyo...

Kaya heto ako ngayon, nakikipaglabanan ng gwanda sa babaeng nasa kaliwa ko. Siya 'yung nanalo na Ms. Sports Fest this year, kaya agaw pansin siya. Hindi dahil maganda siya, kun'di malaki ang kargada niya. Kung ganda lang naman te walang binatbat sa akin 'to, kaso 'pag nag-chest out waley ang beauty ko.

Ligwak ganern...

"JC," nananaway na tinig ng beshiewap kong sinusundot-sundot lang ni Lopez. "Sisipain kita diyan."

"Bakit anong ginagawa ko sa 'yo?" Nakatawang tanong ni JC. Nagmamaang-maangan pa pero bet din naman si Georgina. Hayaan na natin para magkalove life naman ang beshiewap ko, para mahinto na sila kakaship sa aming dalawa. Nakakaumay na mga te, hindi na nakakatuwa.

"Nanunundot ka."

"Anong nanunundot? Nakaganito lang ako." Inihawak niya ang kamay niya sa dalawang tuhod. "Imbento ka ah."

"Isa pa ah?"

"Isa pa?"

"Tignan mo," pinagbabatukan siya ng beshiewap ko. Masakit-sakit din 'yan dahil Volleyball player ang beshiewap kong mahal. Mabuti na lang mamaya pa ang laro namin, 'yon nga lang may malaking problema. Kasabay naming maglaro ang mga boys kaya hindi kami makakanood ni Georgina mamaya. Parang nananadya naman kasi 'tong Sports Fest Master natin, parang may galit sa amin ni Georgina. Ayaw kaming nakikitang masaya!

"Aray ko sorry na," reklamo ni Clinton. Tumagilid na ang beshiewap ko paharap sa akin.

Tinapunan ko siya ng nang-ookray na tingin. "Kilig ka gurl?" Hininaan ko lang, baka makahalata naman si Lopez na betchabay galiwaw siya ni Henson.

"Silence te, ililista kita sa noisy." Banta ng magwanda, 'yan ang panakot niya sa akin dati. Alam niyo na, Elementary days / Junior High School days. Uso 'yung ililista 'yung noisy, standing at mabait. Lalagyan pa ng bakod-bakod or tally para malaman kung ilang beses tumayo. Exempted ako dahil Georgina ang tagalista. Ang suki ng bakod ni Henson, walang iba kun'di si Lopez na matapos tumayo ay magrereklamo. Hindi pa magbabayad ng lipat upuan fee.

Kapal...

Yaman-yaman, ang damot!

May kumpanya pero ang buraot!

"Mga te!" Nakita namin ang Cassandra na mangangapit upuan. Wala sigurong makachika sa baba kaya ayern, sinugod ang beauty ko.

"Te 'wag kang tumakbo, lilindol." Sinamaan niya kaagad ako ng tingin tapos huminto sa paglalakad.

"Fluffy tara rito," yaya ni Henson. Naglakad na ulit si Cassey pero mabagal na lang, dahil naoffend ko na naman yata. Hindi bale mga te, magsosorry na lang ang lola niyo mamaya.

"Hi Blossom," bati niya kay Georgina. "Hi Mojo Jojo," gumanti sa akin ang mamoy. Tinaasan pa ako ng kilay at tinaray-tarayan.

"Yabang mo ah?" Umamba akong jojombagan siya pero tumawa lang.

"Paupo," sabi niya na akala mo ang payat-payat niya na pwede siyang sumingit sa kung saan. Te mas maliit pa bewang ko kaysa sa kaniya.

"Te sexy ka? Sexy ka?"

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon