Chapter 334: SAY NO NO YOW TO MAMAW-REAK

93 11 0
                                    

🏰GLYDEL🏰

Madaling-madali ako sa pag-aayos dahil baka magtext na ang Nguso ko. Magagalit 'yon kapag hindi ko siya pinanood, lalo na't nangako pa naman ako. Katakot-takot na sigaw na naman ang aabutin ko 'pag nagkataon.

Napalingon ako sa pinto dahil bumukas na lang bigla. Alam kong hindi si Eugene 'yan dahil kakatok 'yon bago pumasok. At isa pa, may inutos akong petmalu ro'n kaya mamaya pa ang balik niya.

"Yes? Bakla?" Sabi ko na nga ba si Michael na naman. Ang pinakawalang modo na bakla sa lahat. Siya lang naman ang naglalakas ng loob na gawin sa akin 'yan. Palibhasa alam niyang may utang na loob ako sa kaniya at alam niya ang pangit kong sikreto. Ang tungkol kay Danica'ng pagkapangit-pangit.

Parang 'yung Erpats niyang bano!

"Queen G, ano na? Sasama ka ba next week?" Feeling prinsesa na naman ang luka ng maupo sa couch. Mas maarte pa siya sa 'kin umupo sa totoo lang. Sa kaniya sarado ang binti sa akin nakataas ang isa.

Mainit eh...

Papasingaw lang para 'di mangamoy...

"Hindi ko alam. Depende kapag sinipag ako." Walang ganang sagot ko. Matagal na akong hindi umaattend ng ganiyang event dahil nagtatago nga ako. At isa pa, hindi malayong maraming makaalam na ako ang may-ari ng Muñequita kapag umattend ako ro'n.

"Sama ka na, kasama ang mga bakla," pamimilit niya. "Sayang naman ang bonggang invitation ng Asian Fashion Week this year Madam!"

"Ikaw na lang pumunta," inis kong sabi. Sa lahat ng ayaw ko 'yung pinipilit akong gawin ang bagay na ayaw ko.

"Sa Seoul lang naman."

"Ayoko nga, malayo."

"Eh di ikaw na lang umattend ng Summit."

"Mas lalong ayoko." Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Kung hindi lang ako nagtatago, 'yung Fashion Week ang aattend-an ko dahil sobrang nakakaboring ang Summit.

"Executives ang kailangan sa Summit." Naiinis na yata siya sa akin dahil ina-aattitude-an niya na naman ako.

"Executive ka 'di ba?"

"Proxy lang ako."

"Pero lahat sila ang alam ikaw ang head nito, kaya ikaw na lang. Ikaw naman lagi ang uma-attend."

"Mahahaggard naman ako ng husto. Imagine? From Seoul lilipad kaagad ako papuntang New York?"

"Okay lang 'yan ang ganda-ganda mo naman." Napairap ako sa isip. Gusto kong masuka dahil sinabihan ko siyang maganda.

"Talaga?" Nag-ayos ang baklang paniwalang-paniwala na naman sa mga pinagsasasabi ko.

"Oo," kung namamatay lang ang pagsisinungaling matagal ko ng nakajamming si Satanas sa impiyerno.

"Tse! Chinacharot mo lang ako para pumayag ako."

Natawa na lang ako. Akala ko kasi mauuto ko na naman siya, hindi na pala. Nakakainis lang dahil dati rati naman kaya niyang mag-isa. Bumalik lang ako hindi na naman makalakad.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon