🏰DARYLLE🏰
Mabuti naman at nanahimik na ang pinsan kong hilaw. Mabuti na lang magaling din mang-uto 'to si Luke. Feeling ko nga nababadtrip na 'to kay Alex. Paano ba naman kasi, naaalala lang siya kapag may kailangan o may hihingiin.
Sinasabihan pang bakla...
Wala naman sanang problema dahil hindi naman 'yon totoo. Ang kaso, nakakahiya sa mga nakakarinig lalo na ang hindi nakakakilala kay Luke. Mabuti kami alam na naming straight siya, eh 'yung iba?
Baka mamaya asar-asarin siya ng taga-ibang school. Iba pa naman ang lalaki kapag sinasabihan bakla. 'Yan ang number one na ayaw ng mga lalaki base sa experience ko. Parang lalo silang lumalakas kapag sinasabihan sila ng gano'n.
Lumingon ako sa gawi ni Alex kaya nakita kong namumungay na ang mata niya. Kanina niya pa kasi nilalabanan ang antok niya. Pinapakilala na ang mga judge kaya tahimik pa sa paligid. Napunta ako sa inuupuan ni Ate Jess kanina. Si Yiren kasi ang nakaupo sa dapat ay upuan ni Sydney, kaya si Sydney nasa dating upuan ni Alex. At si Alex naman ay nasa upuan ko kanina. Ang isa naming kateam ay napunta sa mga nasa unahan, dahil nga sumingit si Yiren dito sa amin.
"Antok ka na?" Tanong ko kay Alex. Marahan siyang tumango habang nakahawak sa kamay niyang dinrawingan ni Luke ng puso na color blue.
Akala niya, chikinini 'yan...
"Inaantok?" Lumingon sa amin si Sydney. May sinabi sa akin si Cassey kanina ng mapadaan kami roon. Nagagalit siya kay Sydney and as usual, dahil 'yon kay Ace. Hindi ko pa alam ang buong kuwento kaya ayokong makialam at magkomento. Mamaya ko na siya tatanungin dahil nasa likod ko si Yixing.
Nakakahiya...
"Sleepy," ngumuso na naman siya. "Milk..." Baling niya sa akin.
"Naku po..." Bulong ko. Nasapo ko ang noo ko dahil mukhang magiging baby sitter talaga ako nito buong Sports Fest. "Walang milk Alex. Mag-sleep ka na lang muna tapos mamayang gabi na ang milk." Kumibot-kibot na naman ang labi niya na tila iiyak. "'Wag umiyak," parang bata na talaga ang turing ko sa kaniya ngayon. Mas okay na 'to kaysa binababe-babe niya lang ako. "Oh dali kumot na." Pinakita ko sa kaniya ang jacket ko. Ngumiti naman siya at mukhang wala ng balak manghingi ng gatas. Kinumutan ko na siya at inayos ang paa niya. Kinuha ni Sydney ang bag niya para makaunat ang paa niya. "Tulog ka na."
"Milk..."
Napapikit ako dahil akala ko malilimutan na niya ang tungkol do'n. "Alex wala tayong milk. At isa pa, nakakalason ang milk."
"Weh?"
"Oo, gusto mo bang mamatey?"
"Ayaw," nakangusong sagot niya.
"Oh sleep na para lumaki ka." Muntik na akong matawa dahil sumunod naman siya sa akin. Mabait naman pala eh, kapag inaantok nga lang. Nakahinga ako ng maluwag ng manahimik na siya. Sinenyasan ko rin si Sydney na 'wag masiyadong maingay dahil baka magising 'to at mag-iiyak, tapos manghingi ng gatas.
Sinabi na rin ang criteria for judging. Siyempre nando'n ang isa sa pinakamahalagang bagay, ang synchronization. Kasama rin sa ija-judge ang music, theme, costume at audience impact. Napanood ko naman ang KU Dance Troupe kaya masasabi kong may laban sila. Ewan ko lang ang KU Pep Squad.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21