Chapter 294: GRAY WOLVES VS. BLUE BULLDOGS 4 (SFD3)

119 9 1
                                    

🏰SYDNEY🏰

Huling quarter na nang pabalikin kami ni Coach Reiven, para makapagpahinga raw ang ibang mga players na naglaro sa buong 3rd Quarter. Kami nila Yiren, Loona, Darylle, at Ate Jessica ang nasa loob. Ang Alex namin ayaw ng maglaro, tinamad na raw siya. Pati Coach namin mukhang tinamad na rin. Naglalaro na nga lang sila ni Alex doon sa bench eh. Bato-batoothpick daw 'yon, pauso yata ng Lola niyo, tapos ang matatalo hahampasin ng bote ng gatorade sa braso.

Para lang kaming nakikipaglaro sa paslit gaya ng nakaraang laro. Kahit na mahaba pa ang oras, sa palagay ko panalo na kami kaagad. Bukod kasi sa mas malakas at mas mataas ang shooting namin, nakapagpahinga pa kami. Kaya kumbaga sa ulan, punong-puno ang ulap namin sa ngayon, kaya pwede pa kaming makapagdala ng baha.

Aaminin ko, hindi ako makapaglaro ng maayos kanina dahil nandiyan si Ace. Hindi naman kasi ako sanay na nandiyan siya, dahil madalang naman siyang manood ng laro ko. Pero nasanay na lang din ako at thank God, bumabalik na ulit ang laro ko. Nahimasmasan na kasi ako mula sa pagiging lutang kanina kakaisip kung narining niya ba 'yung 'Yixing! Yixing! Yixing!' kanina.

Pero hindi ko na 'yon iniisip sa ngayon, dahil parang wala na sa akin ang mararamdaman niya. Siguro nga, hindi ko na talaga siya gusto kaya gano'n. Pero natatakot pa rin ako sa kaniya, lalo na ngayon na nagiging aggressive na siya.

Naiinis ako sa kaniya dahil inaaway niya si Cassey. Alam naman niyang love na love ko 'yung baboy na 'yon, kahit may ugali siya minsan. Kahit na galit siya sa kaibigan ko, hindi niya dapat sinigawan at tinawag na baboy sa harap ng maraming tao. Mga schoolmates pa namin ang nando'n.

Paano kung gayahin ng iba 'yon?

Asar-asarin siya ng baboy...

Alam kong totoo naman 'yon, pero hindi siya baboy, chubby lang. At sobrang sagwa ng salitang 'yon para lang gamiting pang-asar sa kaniya. Ang totoong baboy, madungis at dugyot. Hindi naman gano'n si Cassey, malayong-malayo sa hitsura ng tunay na baboy. Sa aming lahat, siguro isa siya sa pinakamalinis. Si Kendrick siguro ang nangunguna dahil nga alam niyo na, berde kaya gusto laging magwanda. Ang pinakadugyot siguro, si Alex. Hindi naman literal na dugyot, tamad lang maglinis sa sarili kasi wala siyang paki kung ano ng hitsura niya. 'Yon nga lang, nadadala ng mukha niya ang kadugyutan niya, kaya hindi na napapansin ng iba ang hitsura niya kasi sa mukha niya nakafocus.

Mabuti na lang pinagtanggol na naman kami ni Alex kanina. Sobrang saludo talaga ako sa katapangan niya, mapalalaki, babae man o gangster, basta kapag inaway kami labern!

Walang pwedeng mang-asar kay Cassey maliban sa amin!

Beshiewap kami eh...

Kami lang ang pwedeng tumawag sa kaniya ng mamoy...

Napako na sa 56 ang score ng kalaban, habang kami naman ay malapit ng magline of 9. Tatawa-tawa na nga lang kami nila Darylle kapag nakakashoot kami eh. Tinatamad na rin siguro magbantay ang kalaban. Siyempre nga naman, from 56 to 88. Paano nila hahabulin? Eh kahit magdasal pa sila ng dalawang round ng rosary at magpamisa hindi na uubra eh. Kung pwede nga lang siguro sila magsurrender gagawin na nila eh.

"'Wag niyo nang masiyadong bantayan," ani Darylle. Tumango naman kami dahil pabor sa amin 'yon. Kung hindi namin sila masiyadong babantayan, hindi kami masiyadong mapapagod. Hindi na rin nga kami nag-uusap sa loob eh, basta makapasa na lang okay na. Hindi naman kasi kami naghahabol at nag-uubos na nga lang ng oras.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon