🏰ALEX🏰
Wala talagang kakuwenta-kuwenta ang bunsong 'to ni Jollibee. Lahat na lang ng gusto ko sa life ko nikokontra niya. Pati panliligaw ko nag-iinepal siya. 'Yon na nga lang ang ikakahappy ng pagkapangit-pangit kong buhay nipipigilan pa.
Padabog akong naglalakad pabalik sa quarters. Ngumuso ako bago nilingon ang ButterGlat na 'yan. Nilayasan na rin kami nila Fluffy dahil hahanapin daw nila si Professor X. Baka mamaya madali na naman 'yon, walang Nguso na magtatanggol sa kaniya. Badtrip kasi ako ngayon eh, b**bie na naging bato pa ang kingina.
Letse...
Binilisan ko na ang lakad ko dahil uuwi na ako. Wala namang kuwenta kung magsestay pa ako rito. Inilayo na nila sa akin ang Kinabukasan ko kaya wala ng silbi ang buhay ko. Magpapakamatay na lang ako mamaya, ibabangga ko ang sasakyan ko, pero siyempre, dedepende pa 'yon kung sisipagin ako. Alam niyo naman tayong mga Rich Baby, hindi natin kailangan magpagod, kasi mayaman tayo.
"Saan kayo galing?" Tanong ng kapatid ni Yixing. Nasa labas na sila at bitbit na ang mga pangit nilang bag. Malapit na nga kasi kaming mag-go home kaya ganiyan.
"Sa pinanggalingan," inis kong sagot. Pumasok ako sa loob at padabog na humilata. Kinunot ko kaagad ang noo ko at pinahaba ng husto ang aking sandata sa pang-uuto.
"Saan na naman galing ang dalaga na 'yan?" Nakapamewang ang Kuya kong ready ng umuwi. Nakabag na siya at nakabihis na rin. Humahalimuyak ang pagkabaho-baho niyang amoy.
"Kuya," nagmaktol ako kaagad. Nakakainis kasi talaga si Darylle. Hindi ko tuloy naipagtapat ang tunay kong pag-ibig para sa kaniyang dibdib. Ang dibdib na magbibigay sa akin ng rason para mabuhay.
"Bakit?" Pinagtawanan niya ako kaya napanguso ako. "Ano na naman 'yon?"
"Eeee..." Napaungot ako at nagpapadyak sa inis. Mangiyak-ngiyak na ako sa sobrang pagkabanas. "Nakakainis talaga!" Halos masabunutan ko na ang buhok ko.
"Oh 'wag ganiyan," pigil niya sa akin. Nihawakan niya ang kamay ko at inilayo sa buhok ko. "Magagalit si Papa Mambs niyan."
Lalo akong napanguso. Namimiss ko na ang Papa Mambs ko, pati na rin ang kaniyang mga Pañero. "Kailan ba sila manonood?"
"Kung kailan sila makakalabas." Inayos na niya ang buhok ko.
"Kailan sila makakalabas?"
"Kung kailan sila gagaling."
"Kailan sila gagaling?"
"Kung kailan sila mawawalan ng sakit."
"Kailan sila mawawalan ng sakit?"
"Kung kailan sila gagaling."
"Eeee..." Tinawanan na naman niya ako. Ginagaya niya ang aking technique. Hindi ko ito mapapayagan. "Ako lang pwede mag-ganiyan."
"Ay ikaw lang ba?" Nakanguso akong tumango. "Oh sorry na, sorry na. Hindi na uulitin ni Binata."
"Patda lang," nipitik ko ang tenga niya. "Punta tayo kay Papa Mambs," yaya ko. Ningusuan ko siya ng sobrang haba, 'yung pinakamahaba na nguso sa buong mundo. "Please," nipagdikit ko ang mga palad kong pangit.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21