🏰ALEX🏰
Pasimple akong lumayas dahil nanggigil talaga ako sa pangit na 'yon. Alam niyo naman ako, ayaw kong natatalo. Kaya hindi ko palalagpasin ang pangit na 'yon. Naisip ko sana na abangan na lang siya mamaya tutal taga-doon lang naman siya sa amin. Ang kaso, baka hindi ako payagan ni MU lumabas kaya ngayon ko na lang siya babanatan. Nando'n siya sa pinakalikod. May mga pintuan sa may bandang taas.
"Miss saan ang punta?" Tanong ng guwardiya.
"Sa puso mo," nakangising sagot ko. "'De joke lang sa CR. Naiihi na kasi ako eh. Gusto mo sumama?"
"Bumalik kaagad, lumiko ka sa kanan nando'n ang comfort room."
"Uy thank you pogi." Lumabas ako doon sa pintuan sa may hilera ng mismo ng p'westo namin. Gusto kong masuka ng sambitin ko ang salitang pogi. Sinuot ko ang sumbrero ko para malupit.
Binilang ko ang pinto dahil sa pagkakatanda ko, dalawang pinto ang pagitan mula sa nilabasan kong pinto at sa kinatatayuan niya. Binuksan ko 'yon at katulad ng inaasahan ay may bantay doon. "Excuse me po, pabili pong tubig." Nanlaki ang mata ko ng makitang wala na siya ro'n. Sinara ko na ang pinto dahil hindi naman ako narinig ng guwardiya.
Bingi ang p*ta...
Sabagay pwede na rin kaysa pagalitan ako 'di ba?
Tumingin ako sa likod ko dahil narinig kong sumara 'yung pinto. Nakita ko 'yung lalaki na nananakbo pababa kaya sinundan ko. Nakatunog yata ang manyak na 'yon kaya tatakasan ako. Dumaan siya sa may hagdan kaya mas madali siyang hulihin kung ako ang tatanungin. Naupo ako sa railings ng hagdan at nagpadulas pababa. Sinipa ko ang pangit.
"T*ngina ka," bulong niya. Napaluhod siya dahil sa likod ko siya sinipa. Nabitawan niya rin ang paninda niya. "Inaano kita ha? Pasikat ka?"
"Alam kong kilala mo ako, kapag ganitong balingag ang utak ko 'wag mo akong iinisin." Sinapok ko siya sa sobrang gigil ko.
"Idol sorry na," sabi ng loko.
"Idol? Al-al mo, idol mo mukha mo. Kupal ka," hinawakan ko ang tenga niya at piningot siya. "Gusto isumbong kita kay Precious? Na nanghihipo ka? Sigurado magagalit 'yon tapos baka itigil niya pa 'yung pagsustento sa pamilya mo. Kapag tumigil na siya sa pagbibigay ng pera sa 'yo, wala ka ng pang-shabu. Gusto mo 'yon? Ako? Gusto ko 'yon."
"Idol sorry na," balak niya akong pigilan kaya inalis ko na ang pagkakahawak ko sa tenga niya. Baka mamaya kung saan-saan niya inihawak 'yung kamay niya eh.
Germs...
Yuck!
Eeeew...
"Pengeng tubig," inilahad ko ang kamay ko. "Ang mahal-mahal ng tinda mo."
"Siyempre, may bayad ang pagpasok namin dito. May porsiyento ang may-ari kaya mahal."
"Hindi ko tinatanong." Pinandilatan ko siya ng mata at umambang bibigwasan siya. Matapang lang ang lalaking 'to kapag may karga siya, pero kapag ganitong nasa katinuan bahag din ang buntot niya. "Tubig," sobrang sama yata ng loob niya ng ilagay sa palad ko ang tubig. "Magtinda ka para may pang shabu ka." Nginisihan ko siya. "Happy selling, fan." Kinindatan ko siya bago ako nagmamadaling umakyat. Baka hinahanap na kasi ako ng babe ko eh. "Ah ang ganda ng CR dito," pagpaparinig ko sa guwardiya. Para kunwari, nag-CR talaga ako. Nagmadali na akong bumaba, kasalukuyan ng nasa tuktok ang mga banner. May nagsasalita sa unahan dahil manunumpa na yata. Naabutan ko si Darylle na mukhang tumanda na sa kakahanap sa akin. "Wow! Babe ang ganda-ganda mo ngayon ah!" Inuto ko na kaagad.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficção GeralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21