Chapter 367: POSSESSIVE 2

95 15 0
                                    

🏰ERIC🏰

Naimulat ko kaagad ang mata ko nang tumunog ang alarm, pero parang nawala ang ulirat ko nang maramdaman kong may nakayakap sa akin. Naamoy ko pa ang pamilyar na amoy ng bata na madalas kong naamoy. Nanlaki ang mata ko dahil parang alam ko na kung anong nangyari.

Talaga 'to si Ganda...

Marahan kong hinaplos ang buhok na nakakapa ko. Napangiti ako dahil kahit hindi ko siya makita alam kong si Ganda nga 'to. Hindi ako makapaniwalang nagawa niya akong tabihan ng hindi ko man lang namamalayan.

Dito ba talaga siya natulog?

Hala, baka pagalitan ako!

Bigla akong natauhan kaya marahan akong lumayo sa kaniya, pero humabol siya at yumakap na naman sa akin. Kinuha ko ang cellphone at finlashlight-an siya. Nakanguso naman at nakapikit. Sinundot ko pa ang pisngi at tagiliran pero hindi naman gumalaw.

Tulog nga...

Dito siya natulog?!

Magkatabi kami?!

Gusto ko ng bumangon at lumayo sa kaniya, pero parang ayaw ko ring kumilos at mas gusto ko na lang manatiling nakahiga rito katabi siya. Marahan kong ibinaba ang cellphone ko at niyakap siya pabalik. Maaga pa naman, hindi naman siguro kami hahanapin ni Mother Uji, baka natutulog pa rin 'yon.

Inamoy-amoy ko ang buhok niyang ang sarap-sarap sa ilong. Kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na magagawa kong tabihan magdamag ang babaeng hindi ko naman kaanu-ano. Hindi naman ako nagrereklamo, natutuwa pa nga kung tutuusin.

Sana bumagal ang oras...

Tumunog na naman ang alarm ko kaya nataranta ako, baka magising si Ganda at matapos na 'tong eksena na 'to. Sa sobrang taranta ko, nabitawan ko ang cellphone kaya nahulog sa baba. Naramdaman kong gumalaw si Alex kaya nagtulog-tulugan ulit ako.

Ramdam kong gumalaw siya, nagising yata kasi parang bumangon na siya. Siya 'yung kumuha ng cellphone kong nahulog. "Bakit ayaw huminto?" Gusto kong magreklamo nang ibato niya 'yon, ayaw kasing huminto ng alarm.

Naku naman...

"Ayan," sabi niya. Sigurado ako bilib na bilib na naman siya sa sarili niya. Laking gulat ko nang pumatong siya sa akin. Siniksik niya pa ang mukha sa leeg ko.

Mahabagin...

Patawarin...

Hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang halu-halong nararamdaman ko. Kinakabahan na hindi mo maintindihan. Gusto ko siyang sawayin pero baka malaman niyang kanina pa ako gising.

5 minutes...

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, na dinaig pa ang takbo ng cheetah. Pakiramdam ko, alam na niyang gising ako, kasi iba talaga ang paghinga ko. Sobrang bilis at pinanlalamigan pa ako.

Ayoko na...

Nagkunwari akong nagising. Ginawa kong makatotohanan ang pag-gigising-gisingan ko, para mas kapani-paniwala. "Sino 'to?" Kunwaring tanong ko. Biglang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Sino 'to?" Matawa-tawa na ako.

I'm a bad liar...

"Hindi ako 'to," aniya gamit ang boses niyang kinahuhumalingan ng lahat. "Iba 'to, hindi ako si Alex."

"Pasaway ka," binuhat ko siya at inilipat sa tabi ko. Kumapit pa siya sa akin at pinilit yumakap sa akin. "Bitaw na Alex, baka malaman nilang dito ka natulog."

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon