🏰MARCO🏰
Ilang araw na akong hindi dinadalaw ni Boa rito. Mabuti na lang may TV dito, kaya hindi ako masiyadong nabobored. 'Yon nga lang, kailangan ko pa rin talaga ng cellphone. Iba pa rin naman kasi 'yon. Hindi naman ako makakapagtext sa TV. Pero ayos lang, masaya naman dito. Nagagawa ko naman ang gusto ko kahit papaano. Nakalabas ako kahapon at noong isang araw, pero nakasumbrero. Ang saya mag-gala dahil nakakabisado ko na rin ang mga daan. Pati ang sasakyan ko alam ko na, kaya hindi na ako naliligaw.
Akala ko, aayawan ko na rito sa labas, pero habang tumatagal ako rito mas lalo ko lang nagugustuhan na manatili rito. Mas masaya rito sa labas. Walang magbabawal sa akin kahit anong oras pa ako matulog. Walang nagpapagalit sa akin, walang nangungurot.
Pero namimiss ko na si Papa...
Ano kayang ginagawa niya?
May nakakausap ba siya roon?
Napailing ako, dahil noong isang araw ko pa gustong tawagan si Papa. Nahihiya lang ako, dahil alam kong magagalit siya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.
Isang nakakapanlumong pangyayari...
Bumaba ako dahil naisip kong balikan ang gamit ko ro'n kina Inday. Susubukan ko lang naman kunin kung nando'n pa. Medyo nag-aalangan din ako dahil baka wala na 'yon doon. Ilang araw na akong wala ro'n kaya baka nagalaw na nila. Ayos lang naman kung nagalaw na nila, hindi naman ako magagalit.
Nakasumbrero pa rin ako dahil nag-iingat nga ako. Nahinto ako kasi may nakita akong pamilyar na mukha. Siya 'yung Kuya ni Mina 'yung girlfriend ni Sean. Janitor lang siguro siya rito sa hotel. Pawis na pawis na siya at halatang pagod na pagod na. Nakita ko siya noong birthday ni Sean.
"Kawawa naman si Sir no?" Bulong ng babae sa kausap niya habang nakatingin sa Kuya ni Mina.
"Kaya nga eh, imagine? From being hotelier, naging janitor? The heck..."
"Bakit kasi bumalik pa siya rito? Eh di ba inalis na siya?"
"Hindi na nga raw kasi tinatanggap sa trabaho. Kahit saan siya mag-apply hindi siya nakukuha. Kaya bumalik dito kaso ginawang janitor dahil 'yon lang daw ang bakante."
"Nakaaway ba niya si Viper? Kasi parang may galit no? Hindi naman kasi 'yon gagawin ni Sir kung wala siyang ginawa. Eh ang bait-bait kaya ni Viper."
"Kawawa naman..."
Nanlaki ang mata ko nang mapunta sa akin ang tingin ng mga babae. Nagmadali akong maglakad bago pa nila ako mamukhaan. Kahit kasi nakaface mask na ako feeling ko namumukhaan pa rin ako ng iba. Hindi ko alam kung gano'n talaga o kabado lang talaga ako lagi.
Nakasakay naman ako kaagad. Maluwag pa naman ang biyahe, dahil linggo naman ngayon. Mamaya pa 'yan sisikip kapag namasyal na siguro 'yung iba. Saktong-sakto na nandoon si Inday sa loob. Wala ang mga kasama niya, siya lang talaga.
"Inday," tawag ko. Lumingon naman siya sa akin. Inalis ko ang face mask ko.
"Kuya pogi!"
Sinenyasan ko siyang 'wag maingay. Kinawayan ko siya kaagad. Napangiti ako ng makita ko 'yung bag ko. Kung ibang tao 'to, naibenta na nila 'to. "Pwede ko bang kunin 'yung bag ko?"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21