Chapter 324: BLUE NA CLUE

103 11 0
                                    

🏰REIVEN🏰

Dumiretso na kami sa Hospital ni Alex, baka kasi mapalaban pa ako dahil doon sa nakabuntot sa akin. Sinabihan ko ang mga bata namin na babalik ako ro'n. Gusto ko lang masigurong ligtas ang kapatid ko. Dapat kasama namin si Darylle pero nagbago ang isip. Akala siguro non mauutakan niya ako ah? Hindi niyo naitatanong pero nagiging invisible ako 'pag kinakailangan.

Biro lang...

Sadyang kabisado ko lang talaga ang lugar na 'yon dahil akin 'yon. Gagawin ko 'yung subdivision, pero pending pa dahil marami akong ginagawa sa ngayon. At sadyang t*nga lang din talaga 'yung nakasunod sa akin dahil hindi niya napansin na lumiko ako. Napasabak tuloy ang kotse ko sa lubak-lubak na daan.

Buti na lang mayabang din 'to...

Parang kami...

Patakbo kaming umakyat sa suite dahil excited na si Baby na makita si Papa. Hatak-hatak niya ako papunta roon at kilig na kilig na naman.

"Dahan-dahan," sabi ko. Muntik niya kasing mabangga 'yung nurse na galing yata sa suite ni Papa Mambs o ni Papa Anaconds. Si Papa Vipes naman kasi hindi na alagain. Nagpapaconfine lang siya para makakita ng magagandang nurse.

Kano eh...

"Kuya dali," excited niyang sabi. Sa sobrang pagmamadali niya, nabangga niya 'yung painting sa gilid.

"Hala ka," pananakot ko. Nahinto siya at mukhang natatakot na naman. "Lagot," nakatawang sabi ko.

"Kuya ReiRei," nanyakap na naman siya. Hindi naman nasira ang painting, nahulog lang. "Scary," umiyak na.

LT talaga 'tong isang 'to...

"Hayaan mo na. 'Wag na nating kunin 'yan, dirty na 'yan." Naglakad na ulit kami. Nilingon niya pa ang painting na nahulog. Bahala na silang magbalik non. Mura lang naman 'yon eh, 3 million lang ang isa.

Mura lang 'di ba?

"Kuya ReiRei baka may magsumbong sa akin."

"Wala 'yon, bubugbugin ni Kuya ang magsoscold sa 'yo." Pati ako nagiging conyo na rin. Pero okay lang, cute naman eh.

"Talaga?"

"Oo naman."

"Yes yes yow!" Nagsasayaw na naman siya. Lumalala na ang tama niya. Hindi na maganda dahil napapadalas na yata ng husto. Marahan akong ngumiti bago ginulo ng kaunti ang buhok niya.

Nakakaawang bata...

Sa kabilang banda, nakikita ko ang sarili ko sa kaniya. Gaya niya, lumaki rin ako sa poder ng ibang tao. Hindi rin sila naging malupit sa akin pero kahit anong gawin ko alam kong may kulang sa akin. At hindi iyon mapupunan ng kahit na sino, kahit pa si DanDan. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nahahanap ang pumatay sa mga magulang ko. Pero kilala sila ni Papa, kaya kahit papaano may alam na ako kung sino sila. 'Yon nga lang, hindi ko alam kung saan ko sila hahanapin.

At 'yon ang mas nakakainis sa lahat...

"Tago ka sa likod ko," sabi ko. "Para masurprise si Papa." Ngumiti siya bago nagpunta sa likod ko. "Kahit anong mangyari 'wag kang maingay ha?"

"Yes yes yow Kuya."

Binuksan ko na ang pinto. Nakita ko si Papa na panay ang mura. Mukhang napasok na naman ng zombie ang bahay niya kaya ganiyan siya.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon