Chapter 341: KU VS. CBeU 3 (SFD5)

78 11 1
                                    

🏰SYDNEY🏰

Gusto ko sanang manood ng laro nila Yixing, pero naalala kong bawal pala. 'Yon kasi ang kabilin-bilinan sa akin nila Georgina at Kendrick. Wala raw manonood, dahil baka makita namin ang hindi namin dapat makita. Si Cassey nga walang nagawa dahil kailangan siya roon. Sa sobrang hiya ko, napilitan akong magchat kay Yixing na hindi ako makakapunta dahil ang sabi ko busy ako. At ang Chinoy mga te, nagtampo yata kasi sineen lang ako.

Iyak tayo...

Huhuhu...

Wala naman akong magawa, dahil mas mahalaga sa akin ang mga kaibigan ko. At alam ko namang, kami lang ang iniisip nila Kendrick. Ayaw kong magkaaway-away kami kaya susunod na lang ako.

Nakatambay kami ngayon dito sa quarters, dahil ang mga Coaches wala na naman. Tapos na kasi ang round 1 ng Bracket B, kaya kailangan na talaga nilang magmeeting. Kaming tatlo nga lang ang naiwan dito nila Darylle at Alex. At medyo nagkakapanisan na nga kami ng laway dahil itong si Alex tulog nang dumating. Si Darylle din natulog at ngayon, gising nga sila pero nagpapainin pa pareho.

"Tara," yaya ni Alex. Tumayo siya at kinuha ang cellphone niya. "Puntahan natin si Fluffy." Nakangiti niyang pinakita ang gate pass niya sa amin. "Nauuhaw na ako eh." Nakanguso niyang hinawakan ang tiyan niya.

"Tara," pagpayag ni Darylle. Tumayo siya kaagad kaya naalarma ako.

"Walang aalis," pigil ko sa kanila. Pumunta ako sa pintuan at hinarangan 'yon. "Bawal lumabas!" Nagtinginan sila at sabay na natawa. Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nag-iisip kung anong ipapalusot ko. Gusto kong pumayag sa sinabi nila, dahil kay Yixing, pero mas gusto kong safe kami.

Safety first...

"Kim Chiu, ikaw ba 'yan?" Nakatawang tanong ni Darylle habang hinahanap ang pass niya sa bag.

"Uy, bawal talaga." Natataranta na ako, kasi alam kong wala naman akong laban, dahil dalawa sila at isa lang ako.

"Walang bawal-bawal sa akin," ani Alex. Lalo akong kinabahan dahil normal na normal ang boses niya. Senyales na kapag ito kinontra hindi lang 'to iiyak, mang-uupak. "Dahil Nguso ako ng batas dito."

"Anong Nguso ng batas ang pinagsasasabi mo diyan?" Kunot noong tanong ni Darylle. Ang number one'ng kontra sa pagpapantasiya ng pinsan niya.

"Nguso ng batas," kunot noong sabi ni Alex. "Hello, sino bang batas dito? 'Di ba si Mamaw? Eh Nguso ako ni Mamaw 'di ba? Eh di Nguso ako ng batas."

Maski ako napakamot sa mga sinabi niya. Kung malawak ang pang-unawa mo, mabilis mong maiintindihan ang mga salitang lumalabas sa bibig niya, pero kung pagong ka, eh manalangin ka na lang muna para safe.

"Tara na, nakakahiya kay Miss Jelai, baka sabihin niya masiyado naman natin siyang inaabuso. Hindi porket payag siya na hindi tayo tumulong, eh hindi na talaga tayo tutulong. Remember, ang usapan kaya tayo may pass para 'pag may free time tutulong pa rin tayo." Mukhang desidido talaga si Darylle na pumunta ro'n sa game nila Yixing. "Alis na diyan, Sydney Angelique Zoñio 'wag tatamad-tamad."

"Kasi..." Hindi ko alam ang isasagot ko. Natatakot ako dahil ang usapan, wala kaming sasabihin sa kanila. Natataranta na ako.

"Alis na," hinila ako ni Alex paalis sa pinto. Siya ang naunang lumabas, sunod si Darylle.

"Ba't ganito?" Nataranta rin ako kaya napilitan akong kunin ang gate pass ko. Inayos ko muna ang locker room at chineck ang mga nakasaksak bago ako lumabas. Nanakbo na ako pababa dahil hindi ko na sila nakita. Napahinto ako nang makarating ako sa ibaba, dahil sa sobrang hingal. Sapo-sapo ko ang dibdib ko bago nagpatuloy sa pagtakbo. Tila malalagot na ang hininga ko nang makarating sa Gym. "Excuse me po," pasintabi ko sa bantay. "May pumasok po ba dito na dalawang babae?"

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon