Chapter 359: ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS (SFD6)

111 15 3
                                    

🏰ERIC🏰

Nanakbo kaagad ako palabas ng canteen at sinuyod ang buong lugar gamit ang paningin. Nawala kaagad siya sa mga mata ko, kaya lalo akong naalarma. Hindi ko naman talaga intensiyon ang manigaw, hindi ko lang napigilan ang sarili ko kanina.

Kasi naman, hindi talaga siya nagpapatalo. Kahit sino na lang ang makita niya kinakalaban niya. Alam kong pinagtatanggol niya lang ang mga kaibigan niya, pero siya kasi ang nagmumukhang masama sa mata ng iba. Hindi niya nacocontrol ng maayos ang galit niya, kapag galit siya, galit siya.

'Yan ang mahirap kay Ganda...

Napakamot ako sa ulo ko habang tinatalasan ang paningin. Kailangan ko siyang makita kaagad bago pa 'yon makapag-amok. Ayoko rin namang tumagal ang away namin kaya dapat mahanap ko na siya.

"Eric!" Tawag sa akin ni Darylle. Kasunod na niya ang mga kasama naming kumain. "Nakita mo?"

"Hindi nga eh," sagot ko. "Tawagan kaya?" Mas mabuti ng sila ang tumawag, dahil malamang hindi naman ako sasagutin non.

"Sige, sige," kinuha ni Darylle ang cellphone niya. Sumilong lang kami sa may puno dahil ang init.

"Tol," tawag sa akin ni Unique. "Una na muna kami ha? May laro pa kami ni Tristan."

"Ah oo, sorry," napahawak ako sa batok ko. Hindi yata nakakain ng maayos sila Tristan. May laro pa naman sila.

"Okay lang 'yon," ani Clarence. Nahalata niya yatang nahihiya rin ako dahil sa nangyari. "Para may thrill..." Natawa pa kami kahit papaano.

Bilib din ako sa mga kaibigan ni Ganda. Kaya siguro sila magkakasundo kasi medyo may pagkapalaaway din.

Peace tayo...

"Una na kami," paalam ni Clarence sa mga kaibigan ni Ganda. "Sa uulitin," natawa pa siya.

"Alin? 'Yung kain o 'yung gulo?" Tanong ni Kendrick.

"Pwede both?"

"Pwede basta ikaw." Hinila nila Sydney ang t-shirt niya ng umamba siyang lalapit kay Clarence.

"Tol," tinanguan ako nila Clarence. Nangako pa naman akong manonood ng laro nila dahil nanood sila sa akin kanina.

"Hindi sumasagot," dismayadong sabi ni Darylle. Gaya ko problemado rin siya. "Sa quarters kaya?"

"Maghiwa-hiwalay tayo," suhestiyon ni Kendrick. "Kami na ni Cassey sa quarters, kasi may laro rin ako te."

"Oo nga pala," palahaw ni Cassey.

"Kayo bahala na kayo," tinuro niya kami. "Basta kami ni Cassey doon na sa quarters."

"Sige," pagpayag ni Darylle. Mas maganda nga siguro 'yon para mas mabilis. "Basta Cassey kapag wala ro'n pwede pakisabihan naman si Kuya Reiven."

"Sige," ani Cassey. "Balik na kami ro'n." Nagsimula na silang maglakad ni Kendrick pabalik sa quarters nila.

"Guys sorry," sabi ni Sydney. Hindi ko naiintindihan ang parinig nila kanina, pero nabanggit kasi 'yung pangalan ni Ace kaya feeling ko siya 'yung pinariringgan. "Sa akin nagsimula."

"Anong sa 'yo?" Sinundot-sundot ni Georgina ang tagiliran niya. "Sila naman talaga 'yung nagsimula. Oh paano? Saan tayo? Kami na lang ni Sydney, tapos kayo ni Eric," sabi niya kay Darylle. Pumayag naman kami kaagad at naghiwalay din kinalaunan.

Doon si Darylle sa may mapuno nagpunta at ako naman dito sa mga lamesa. Inasahan ko ng walang masiyadong tao rito dahil tanghaling tapat. Karamihan sa mga estudyante kumakain o natutulog.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon