Chapter 288: KU VS. SADPU 3 (SFD3)

100 9 0
                                    

🏰ALEX🏰

Para kaming nagtatug of war nitong espasol na 'to. Ayaw niya kasing i-let go ang hands ko. Nasasaktan na nga ako eh. "Bitaw," inis kong sabi habang pilit na hinihila ang kamay ko. Talagang ayaw niyang bumitaw sa pagkakahawak niya sa akin.

"We're going to eat."

"Ayaw ko nga! Busog na ako sa gatorade!"

"Join me na lang."

"No!" Pinaghahampas ko ang kamay niya. Napakaepal niya talaga kahit kailan.

"Ano munang name ko?" Nakangiting tanong niya. Alam kong nasasaktan na siya sa sunod-sunod kong hampas, pero pinipigil niya lang.

"Abay malay ko sa 'yo, pangalan mo tapos itatanong mo sa akin? Buong pangalan ko nga hindi ko alam, tapos ineexpect mo na alam ko ang sa 'yo?"

"I know your real name." Seryoso akong tumingin sa kaniya. "Your name is Audrey Jacobe." Lumaylay ang balikat ko, dahil umasa akong alam nga niya ang real name ko. "And I'm Sean Patrick Madrigal-Jacobe, your boyfriend and future husband as well."

"Hulaan ko, sa krim stick na milk flavor ka pinaglihi ng espasol mong Nanay." Ginamit ko ang pagkakataon na makatakas ng tumawa siya. Nagmadali akong nanakbo palayo sa kaniya.

"Baby come back!"

Tinaas ko ang kanang kamay ko kasabay ng gitnang daliri ko. "Hati kayo ng Nanay mo!" Hindi ko na alam kung saan ako nagsusuot, basta takbo lang ako ng takbo. Nagtago ako sa likod ng puno nang mapagod ako. Habol-habol ko ang hininga ko dahil hinihingal ako sa katatakbo. Humanda lang sa akin ang espasol na 'yon.

"Baby?"

T*ngina...

Kahit hinihingal ay nanakbo na ako ulit. Gano'n din naman kasi, makikita niya pa rin ako kung hindi ako aalis doon.

"Baby slow down!"

"Baby mo mukha mo!" Hindi ko alam kung bakit nagtatayuan ang balahibo ko sa tuwing tinatawag niya akong 'baby'. Imbes na kiligin ay kinikilabutan ako. "Put*ngina," napamura ako dahil pader na 'yon at ang pinakamasakit sa lahat dead end pa.

Naletse na...

"Pinagod mo ako ah?" Nakangising sabi ng espasol. Pawis na pawis na nga siya, at siyempre ako rin no? Ang layo kaya ng tinakbo ko. At mas mabilis akong manakbo.

So ako ang winner...

Yehey!

"Ano bang problema mo?!" Naiinis na ako sa kaniya. Panay ang buntot niya kaya nayayamot na talaga ako. Hindi ako sanay na may ganiyang nangungulit sa akin. Sila Luke, inakala ring ako 'yung Audrey, pero hindi sila ganito sa akin.

"Don't shout," saway niya. Umusod ako dahil naglalakad na siya palapit sa akin. "Wala naman akong gagawin sa 'yo. My intentions are pure."

"Eh bakit mo ako hinahabol?"

"'Cause you're running away from me? I won't run after you, kung hindi ka nagpapahabol."

Oo nga naman...

Naging matunog ang pagngisi ko. "So sinasabi mong nagpapahabol ako sa 'yo?" Ang kapal ng apog niya. Sa lahat ng nakilala ko, siya na yata ang pinakamakapal ang face. Talagang nasobrahan sa self confidence ang g*go.

"Maybe," nagkibit balikat pa kaya nabadtrip ako lalo.

"Hakdog," sabi ko na lang para itago ang pagkatameme.

"You want hotdog? I have hotdog."

Kuminang ang mga mata ko. Ginutom ako sa pagtakbo. "Color brown?" Excited kong tanong.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon