🏰ALEX🏰
Sobrang saya na naman namin ng B**bie ko, dahil nagawa ko 'yung ginawa ng baklang si Luke. Akala niya siguro hindi ko kayang gawin 'yon. Kaya ko rin 'yon, kinaya ko kasi magaling akong Baby. Mana ako sa Mamaw ko kaya napakalupit ko. Wala ring magawa ang mga kalaban namin. Hindi sila makapalag sa amin ng kayabangan ko. Nginunguso-ngusuan ko nga lang eh.
Isang nguso ka lang...
Bleh!
Hindi pa natatapos ang 1st Quarter pero ang taas na ng score ko. 15 out 22 ang score ko dahil malupit nga akong Baby. Partida, baby pa lang ako nito ha? Paano pa kaya 'pag malaki na ako? Baka hindi pa nagsisimula ang laban eh nag-eempake na sila pauwi sa tiyan ng mga Mamaw nila.
Gano'n ako kagaling...
Gano'n ako kayabang...
Kinekendeng-kendengan ko lang ang mga kumag na 'to. Tinambakan lang namin ang kalaban naming aso raw pero ang bagal manakbo.
Wala na bang iba?
'Yung mas malakas sana?
Nakakabagot eh...
Kung ganito ang lahat ng makakalaban namin? Wala, sure win 'to, champion na ako. Pwede na kayong umuwi lahat. Kung gusto niyo tulungan ko pa kayong magdala ng gamit eh. Hatid ko na rin kayo sa mga bahay niyo tutal may kotse naman akong mabilis. Pinakamabilis sa buong mundo, universe!
"Hoy pangit," sabi ko sa binabantayan ko. Wala siyang kuwenta, kanina ko pa nga 'to sinusundatan ng bola eh. Pero wala siyang kadala-dala, imbes na mag-ingat ay mas dumadali lang para sa akin na agawan siya.
Natawa ako dahil nasundutan ko na naman siya ng bola. Gusto kong huminto para lang tumawa, buti tinamad ako. Isinalaksak ko ang bola sa basket sabay belat sa mga Bulldogs na nanonood. Bulldog-bulldogs pa kayo, ni hindi nga kayo marunong tumahol. Buti pa kami ni Umbag, marunong. Hindi lang marunong, magaling at pinakamagaling sa lahat.
Aw aw aw!
Ang galing ko hindi ba?
Hihihi...
"Hoy mamasa ka naman," sabi ni Darylle. Naiinis na yata siya sa akin dahil hindi ko siya pinapasahan. Eh ang sabi niya kasi kanina eh di 'wag daw eh. Eh di no no yow nga, mabilis naman akong kausap. Sobrang bilis, napakabilis at pinakamabilis sa lahat.
"Say the magic word," pang-aasar ko. Napabayaan ko na ang binabantayan ko, pero hinayaan ko na. Hindi niya naman nashoot. Tumunog na ang buzzer hudyat na finish na ang unang quarter ng Basketball.
Tatawa-tawa kaming bumalik sa bench. Makahulugan kasi ang tingin nila Yiren sa akin. Malamang, sandamukal na puntos na naman ang binabaon ko pauwi sa bench. Nanakbo ako palapit sa Kuya ko. Hinug ko siya para hindi na siya agawin ng ibang Baby sa akin. Akin lang ang Kuya ko!
"Magaling ba ako?" Tumingala ako dahil matangkad ang Kuya ni Baby.
"Oo naman," niyakap niya rin ako. "Amoy panalo ah," tumawa ang Kuya ko kaya kinilig na naman ang mga kamag-Basketball ko.
"Hoy Kuya ko 'to." Niyakap kong maigi ang Kuya ko. Nasescared ako na baka agawin siya sa akin. Mawawalan na ako ng Kuya. Mawawalan na ako ng half a million every Monday.
"Hindi naman aagawin!" Sigaw ni Darylle sa face ko.
"Saliva mo! Yuck! Germs!"
"Arte neto," bulong niya.
"Narinig ko!"
"Oh tama na," awat ng Kuya ko. "Kalma lang Baby." Hinaplos niya ang hair ko. Sinandal ko ang face ko sa chest niyang hard. "Panalo na naman tayo, may balato na naman tayo kay Papa Vipes, 'tsaka kay Papa Anaconds at Papa Mambs."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21